Followers
Saturday, July 12, 2014
Red Diary 75: Group Selfie
Kinakausap na uli ako ni Riz. Kanina nga ay nag-bonding kami sa canteen kasama sina Roma, Gio, Rafael at Nico. Nakikipagkulitan na siya sa amin at nakikitawan na sa mga hirit ko. Hindi na niya ako tinataasan ng kilay. Hindi na rin siya sumisimangot, kapag binibiro ko. Biniro ko nga siya kanina. Sabi ko: "Pag niligawan kita d'yan..."
Ang sagot niya: "Subukan mo, pahihirapan kita."
Umintra lang itong si Beking Romeo, humirit. Sabi niya: "Hay, naku! You're so mean talaga, Riz. Kung ako ang niligawan niyang si Red... Naku, ‘di na ako mag-iisip. Sagot agad!"
“Ikaw yun! Magkaiba tayo...”
“Anong pinagkaiba? E, pareho tayong diyosa.”
Halos masuka sina Rafael at Nico. Si Gio, wala lang. Speechless naman ako. Naisip ko kasi baka totohanin ni Riz ang sinabi niya, kapag niligawan ko siya. Mahihirapan pala ako.
Di bale na. Ang mahalaga, hindi na niya ako sisimangutan o sisinghalan. At, ite-text niya ako lagi. Pasasaan ba't magiging kami ng dreamgirl ko.
Pag-uwi ko, wala pa si Dindee. Wala pang mangungulit sa akin. Kaya, nakagawa ako ng homework nang walang abala.
Pagbukas ko naman ng Facebook ko, nakita ko ang status update niya. Sabi niya: With new set of friends. #happy. Tapos, may selfie-group picture pa. Naka-tag pa sa bawat friends niya. Natuwa ako dahil, at least, nakatagpo siya ng mga kaibigan dito sa Manila. Someday, malilimutan na niya ang damdamin niya para sa akin.
Alas-sais, dumating na si Daddy. Wala pa rin si Dindee. Kaya, maya-maya, tinext ko siya. "San k po?"
She replied: Pksbi ky T2, d2 p aq sa hauz ng clsm8 q. maya n aq uwi. hatid dw nla aq. thnx
Ok.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment