Followers

Sunday, July 6, 2014

GUNI-GUNI: Batang Babae

Stay-in ako sa private school na pinagtrabahuan ko, ilang taon na ang nakaraan. Lima kaming nakatira doon.

Tatlong palapag ang gusali. Ang ikatlong palapag ay hindi pa ginagamit dahil hindi pa tapos i-construct. Matao sa paligid. Halos napapalibutan ang school building ng mga kabahayan. Residential area kasi iyon. Kaya hindi ko inakalang nilulukuban pala iyon ng mga di-matahimik na kaluluwa.

Sabi-sabi na ng mga guro doon na may mag-inang kaluluwa na nakatira. Since, bago ako, hindi ako agad naniwala. Malakas ang loob ko. 

One night, nag-decorate ako ng classroom ko. First week of June noon kaya halos blangko pa ang classroom ko. Gabi ko iyon ginawa. Pagkatapos ng klase ko at pagkakakin ko ng dinner, nag-letter-cutting ako ng quote about education. Mga 10 PM ko na iyon naikabit sa bandang taas ng wall ng classroom ko na nasa ikalawang palapag.

Tumulay ako sa mesa para maabot ko. Maya-maya, may dumaan na hugis tao sa tagiliran ko. Natanaw ko sila sa pagitan ng mga balustered window malapit sa pinagkakabitan ko. Alam ko, iyon ang mag-inang kaluluwa. Nakalutang sila. Kapantay ko halos. 

Agad kong sinamsam ang mga letter-cuttings at tape at patakbo akong bumaba. Nakatayo ang mga balahibo ko kahit nakababa na ako. Nagsabi ako sa mga co-teachers ko.

Isang gabi naman. Nagkukuwentuhan ang mga 4th year high school students ko sa Math. Nagkagulo sila dahil nakikita daw niya ang batang babae sa sa may bintana. Wala akong makita. Pero, halos maiyak na siya. Hindi ko naman pinahalata na natatakot ako.

Sa Grade 4 class ko naman. Umaga iyon. Nagkuwento ang iang pupil na babae. May third eye daw siya. Nakikita raw niya minsan ang batang babae na katabi ng kaklase niya. Nakikinig lang daw. 

Nakakatakot ang mga kuwento nila pero mas natatakot ako dahil kasama ko sila araw man at gabi. Ang co-teacher ko nga ay nakulong sa banyo na may sirang pinto. Hindi namin siya marinig na sigaw ng sigaw. Hindi rin niya mabuksan ang pinto gayong hindi naman ito mailapat dahil nga sira ang knob nito. Halos daw maubusan na siya ng hininga. Kinailangan pa niyang umakyat sa kabilang banyo ng mga lalaki para makalabas siya.

Ako naman, pinaramdaman sa labas ng computer room. 

nakaupo ako sa sofa, isang alas-sais ng hapon habang naghihintay ng batang tyu-tutor-an ko. Sa likod ko ay may sliding window. Maya-maya, bigla itong yugyog ng malakas. Tila may mga kamay na tumutulak at humihingi ng saklolo. Naisip kong imposible itong gumalaw dahil. Closed ang mga bintana sa loob ng computer room na iyon. Hindi kayang pagalawin ng hangin o ano pa man. Isa pa, may kurtinang nakaharang.

Tumaas ang balahibo ko sa kamay. Umalis ako doon. 

Naulit pa iyon. napadaan lang ako. Tapos, gumalaw uli ang bintanang salamin. Nakakapanindig balahibo. Kaya ayoko nang mag-isa sa school na iyon. lagi akong may kasama.

Pero, kahit may kasama ako, pinakitaan pa rin ako. Isang araw ng Sabado iyon. May tutorial ako with a Grade 1 pupil na hindi pa makabasa. 

Sa classroom ko kami. Nakataligilid ako sa board dahil may sinulat ako doon na ipinababasa ko sa bata gamit ang stick na mahaba. Nakaharap naman sa board ang bata habang nakaupo. Ang pinto at nasa tabi ng board. 

Maya-maya, nakita ko s atagiliran ko na may sumungaw na batang babae. Parang Grade 4 ang laki niya. Naalala ko ang kaluluwa ng batang babae na naktira sa school. nang lilingunin k na, bigla itong tumakbo. Tiningnan ko sa labas. Dalawang hakbang lang ang ginawa ko dahil napakalapit ko lang sa pinto. Ngunit, hindi ko na nakita ang bata. Kumpirmado. Iyon ang kaluluwa ng batang babae. Ang bilis niyang nakababa. Tatlong classrooms pa ang dadaanan niya bago siya makababa ng hagdan kaya imposibleng di ko siya makita kung totoong tao iyon.

"John Mari, nakita mo ba ang batang babae?" Tanong ko sa tutee ko na nakasalamin dahil malabo ang mata. Pero, sigurado ako, makikita niya talaga iyon dahil nasa harapan siya ng pinto.

"Hindi po. " sagot niya. Hindi na ako nakapagsalita. Tinapos ko na kaagad ang tutorial amin. Simula noon, di na kami nag-tutor-an sa second floor.



No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...