Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 30: Harana

Pumayag si Gio. Hindi siya nakahindi. Paano ba siya hihindi? Tinakot kong hindi ko na siya tutulungan sa mga school works namin. Graduating pa naman kami. Ayos! Nakapang-blackmail ako. Sabi niya, yayayain daw niya si Riz na mamasyal sa park. Para pumayag si Riz, nag-iyak-iyakan daw siya. Nag-away daw kami. Gusto lang daw niyang ikuwento sa kanya ang nangyari. Hihingi lang siya ng payo. Artistahin! Parang totoo. Epektib! Akalain ko bang mapaniwala niya si Riz! Ibang klaseng workshop siguro ang pinagdaanan nitong si Gio. Na-realize ko tuloy na may talent din pala siyang tinatago. Mahina nga sa klase, pero may abilidad sa teatro. Ayos! Nakaka-thumbs-up sa husay. At least, nakatulong ang arte niya sa akin. Hindi ko na kailangang turuan pa siya ng gagawin, dahil ako nga mismo ay hindi alam ang gagawin. Kaya, mamayang alas-siyete, mag-aabang na ako sa dilim o magtatago na ako. Tapos, kapag nag-miss call siya sa akin, ibig sabihin, kailangan ko nang pumasok para haranahan ang mahal ko. First time kong gagawin ito. First time kong magagamit ang talent ko sa paggigitara at pagkanta. Ang swerte talaga ni Riz. Siya na nga ang unang babaeng mamahalin ko, siya pa ang unang makakatikim ng harana ko. Kiligin kaya siya? Excited na ako. Hindi ko nga lang alam, kung kakayanin ko ang kabog ng dibdib ko. Bahala na! Teka! Magpa-practice muna ako. "Take me To Your Heart" ng Michael Learns To Rock ang kakantahin ko.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...