Alas-otso ng gabi na ako nakauwi sa bahay. Sinulit ko kasi ang pagpunta ko kay Lianne. Nakipagkuwentuhan siya sa amin ni Paulo.
Cool siyang kausap. Medyo, malungkot lang siya kanina dahil hindi pa rin siya makapaniwalang ang simpleng karamdaman ng kanyang ama sa pag-ihi ay nauwi sa prostate cancer. Emotional nga niyang ikinuwento ang pagdedesisyon niyang huminto ng pag-aaral para lang makabawas ng gastusin ng kanyang ama. Maghahanap na lang daw siya ng trabaho.
Sabi ko nga: "Miss Lianne, hindi naman sa nanghihimasok ako sa personal viewpoint mo..but I think you should not stop your schooling. This school year na lang, right?"
"Yes! Pero, hindi mo alam kung gaano kagastos ang nursing lalo na ngayong graduating na ako. Di ba Paulo?"
"That's true, Hector! Parents ko nga rin, umaaray na sa gastos ko. Mabuti, nakakatulong ang ate kong nasa Japan."
"May paraan pa.." Buo ang loob ko na tulungan si Lianne financially, pero hindi ko pa kayang sabihin.
"Like what?" interesado pa rin pala siyang mag-aral.
"Self-supporting. Trabaho sa umaga. Aral sa hapon." I quickly suggest.
"Tama siya, Bessy.. Call center is the key!" banat naman ni Paulo.
Nag-isip sandali si Lianne. "Bahala na."
Hindi ko malilimutan ang mukha ni Lianne. Tinitigan ko siya ng husto. Napaka-inosente ng mukha niya. Para siyang anghel na nagbabalatkayo sa lupa.
Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na makaharap at nakakuwentuhan ko ang babaeng noong isang gabi lamang ay misteryoso sa akin. Ngayon, malapit ko na siyang maging kaibigan. Sa tulong ni Paulo, tiwala akong magiging malapit siya sa akin.
Salamat sa planner dahil nakilala ko ang babaeng magpapabago ng buhay ko. Gusto ko siyang maging bahagi ng bukas ko. Handa akong talikuran ang nakaraan, makasama lang siya sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment