Nakahubo pa rin ako nang magising ako. Pagtingin ko, dise-siyete minutos na lang para mag-alas-diyes.
Grabe! Napagod ako kagabi. Tindi ni Madam Luna..
Sa ibabaw ng side table ko ipinatong ang check na binigay niya sa akin. Naalala ko siya bigla habang iniaabot niya sa aking ang malaking halaga. Malungkot siya. Kakaiba. Bakit last time na iyon? Ibig sabihin, hindi na ako kikita ng ganun kalaki.. Bahala na! Marami pa naman siguro akong magiging customer na kagaya niya kagalante.
Bumangon na ako at naligo..
Pagkaligo ko, saka ko lang naalalang i-text si Lianne. "I misS you, Lianne! How r u now?"
"I'm fine, but feeling dsperate....Still looking 4 a job."
"dont wori..mkkhanap k rn.."
"i hpe so.''
"san k now?''
"sa boarding hauz p..Kaw?"
"sa bhay pa.. nag-bfast kn?'
"hnd n aq mgbbrkfast.. brunch n lng pra tpid.."
I pity her. So, I asked her for a breakfast date.
"nxt tym n lng.."
"ok sge,,kw bhla."
Hindi na nag-reply si Lianne. Alam ko, ayaw niyang kaawaan ko siya. May pride siya. Ayaw niyang humihingi ng tulong o awa mula sa ibang tao. Gusto niyang gawin ang lahat para sa kanyang sarili.
Naawa ako sa kanya. Mahalaga ang almusal kaya hindi ko matatanggap isipin na nagpaapgutom siya dahil lang sa pagtitipid niya. Kaya, tinext ko ang best friend niya. Kakasabwatin ko siya para maibigay ang pera na ibibigay ko sa kanya. Pumayag naman si Paulo.
No comments:
Post a Comment