Followers

Thursday, July 10, 2014

Red Diary 65: Pagmamahal

Hindi naman ako nagagalit, kung nawalan ako ng kuwarto dahil kay Dindee. Nagagalit at nayayamot ako dahil hindi inisip ni Daddy ang mga consequences. Ibang tao ang kasama namin. Babae pa. Ipinakita na niya agad ang kanyang pagiging sweet at malapit sa akin. Alam kong marami pa siyang kayang gawin, makuha lang ang puso ko. Hanggat mahal ko si Riz, hindi ko siya papatulan… Sana lang makahanap na siya ng taong mamahalin niya. Sana Lunes na para makakilala na siya ng guy sa school. Hindi tuloy ako makatulog. Alas-onse na ng gabi. Mainit sa kuwarto ni Daddy. Hindi naman kami sikip sa kama, pero hindi ako sanay na may katabi. Maya-maya, naalala kong itext si Mommy. Ipinaalam ko sa kanya ang tungkol sa pagpayag ni Daddy na tumira sa amin si Dindee. Nag-reply siya agad. Mabuti naman daw kung ganun. Sh*t! Isa pa itong si Mommy. Ewan! Hindi ko nga siya ni-reply-an. Ano bang klaseng mga magulang sila? Bakit sila pumapayag na may kasama kaming ibang tao, na maaaring makasira sa anuman? Hindi ko sila maintindihan. Bumangon ako dahil sa sobrang init at inis. Akala ko masosolo ko ang oras na iyon at ang sala. Hindi pala. Lumabas din kasi si Dindee. "Iniiwasan mo ba ako?" Akma na sana akong babalik sa kuwarto nang harangin niya ako. "Galit ka ba sa akin, Red?" "Antok na ako, Dee! I have to go back to our room… Good night!" Hinablot niya ang braso ko. "Ayokong ginaganito mo ako, Red! Makinig ka..." Ang lakas niya. Napaupo niya ako sa sofa. Hinintay ko siyang magsalita… "I'm thankful na sa Daddy mo dahil pumayag siya na tumira ako sa inyo. You know what? It's a dream come true… ‘cause you're the sole reason why I'm here… Ikaw ang rason kung bakit pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa inyo!" Umiyak na siya. "Mahal kita, Red. Can't you feel?" Oh, no! Bakit siya ganito? Bakit ako? Bakit mahal niya ako?

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...