Followers

Sunday, July 6, 2014

Hijo de Puta: Nuwebe

"NkauWi k n b? Thnks sa inabot mo kay Mama. God bless U!"  Text 'yan ni Lianne. Alas-nuwebe pa pala siya nag-text. Hindi ko lang nabasa dahil nag-charge ako. Nalowbat kanina sa Pangasinan sa kakapicture namin nina Paulo at Lianne. 

Nireplayan ko kaagad. "Sorry 4 d late reply.. Ur welcome. Im willing 2 help u financially."

"Bkit mo gngwa 'to?"

Oo nga! Bakit nga ba? Hindi ako makaisip ng isasagot. Dalawang minuto na ang lumipas. Hanggang..

"Wla kC aQng nkgisnang ama... "

"Ah.. bakit? Asn sya?" Biglang naiba ang mood ng usapan. Napunta yata sa akin ang topic.

"Naanakan lng ang Mommy q ng Spanish. D nmn aQ pinnagutan. d rn hnanap ni Mommy." sagot ko.

"Half-Spanish k pla. kya pla mukha kng foreigner.."

"Thnx"

Nagtext uli ako. Sabi ko:"Wats uR dcsion abt schooling?"

"Thnx! Nktulong k skn. I decided 2 pursue it."

Lihim akong natuwa sa desisyon niya. Ibig sabihin nito, naging malaki ang impact ko sa kanya. Pangalawa, magiging madalas na kaming magkita. Hindi ko na kailangan pang dumayo sa Pangasinan para makita siya. Ayos!

"Dats gR8! So, ppasOk kn tom?"

"yes!"

"Pwd b ktang mkta uli?"

"Huh? Y?

"I just wnted 2 c u.. :)"

"tingnan q. dpnde.."

"Dpnde san?"

"Bsta.. Gudnyt, Sensya n s istorBo.."

"Cge, Goodnyt. Sweetdreams!"

Walang mapagsidlan ang kaligayahan ko. Kaybilis ng mga pangyayari.. Isang araw pa lang ang lumipas ay nagbunga na ng maganda ang pagod ko. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa trabaho..Kailangan kong kumita ng malaki para may maibigay uli ako sa tatay ni Lianne.

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...