Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 40: Malas
Hindi talaga kami nagkausap ni Riz. Grabeng pag-iwas ang ginawa niya. Nag-stay siya ng isang oras sa CR. Tapos, hindi siya pumunta sa canteen. Nagpabili na lang siya ng pagkain.
Malas!
Isa pang kamalasan ay pagtawanan na naman ang full name ko. Buwisit, taon-taon na lang. Tuwing magpapalit kami ng adviser ay pinagtatawanan ako. Alam naman kasi ng mga kaklase ko na namumula ako kapag tinatawag ako sa buo at tunay kung pangalan.
"Canales, Redondo I."
Para 'di halatang nahihiya ako. Agad at proud akong tumayo. "Yes, Mam! I'm here!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Tiningnan ko nga si Gio at Riz kung tumawa. Nakita ko lang na tumawa sina Nico at Rafael. Pero, si Gio ay ngumiti. Ayaw niyang mabatukan ko siya pagkatapos ng klase. Si Riz naman ay nakayuko lang. Hindi ko nakita ang mukha. Natabunan kasi ng buhok.
"Why are you laughing? Is there something wrong with his name?" Seryoso si Ms. Dina Valbuena. Tiningnan niya ako at tinitigan niya ang ilan sa mga malakas tumawa, lalo na si Nico. "You," turo kay Nico. "Why?"
Hindi natakot si Nico. Mas lalong tumawa. "Ayaw po kasi ni Redondo na tawagin siyang Redondo. Ayaw rin pong buong Redondo Imburnales Canales ang banggitin niyo." Lalong lumakas ang tawanan. Inulit-ulit pa kasi niya ang Redondo.
Walang nasabi si Ma'am. Take your seat, lang. Hindi rin naman tumawa.
Binatukan ko si Nico nang nakalapit ako sa kanya. Mas malaki ang katawan ko sa kanya kaya hindi siya nakapalag. Kwits na kami!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Booklet Project: Babasahin
BOOKLET PROJECT 1. Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment