Followers

Tuesday, July 8, 2014

Hijo de Puta: Onse

Tinawagan ko si Mama Sam kaninang alas-onse ng umaga. Sinabi ko na papasok na ako. 

"O, bakit biglang nagbago ang mind mo? Di ba one week ka kamong wala?"

"Di po kayo masaya?" Iniba ko ang sagot ko. Ayoko kasing mag-explain. Baka malaman pa niyang dahil sa isang babae ang rason ko.

"Hindi naman sa ganun. Wonder lang ako.. O, siya. Pumasok ka na. Hinanap ka nga kagabi ni Madam Luna."

"Ok, Mama Sam. Thanks! Bye!"


"Baboosh! See yah!"


Bumalik na pala si Madam Luna. Isang buwan siyang di pumunta sa bar. 

Siya ang pinakagalanteng matronang nagti-table sa akin. Five thousand pesos ang pinakamababa niyang ibinibigay sa akin. Makikipagkuwentuhan lang ako sa kanya.

Bago mag-alas-sais, nasa Xpose na ako. Sa dressing room ko naabutan si Mama Sam. Naroon din sina Lemar, Jeffrey, Christian at Nolan. 

Nang makita ako ni Mama Sam, bineso-beso niya ako. "Nice you're here. Madam Luna called me a while ago. Pupunta daw siya mamaya."

Natuwa ako sa balita ni Mama Sam. Pero, si Lemar, ang sama ng tingin sa akin. "Sige po, Mama Sam. Salamat"

"Sige.. Okay, boys..prepare yourselves.."  Tapos, lumabas na siya.

Saka naman lumapit si Lemar sa akin. "Sipsip ka!" Dinuro niya ako. 

"Teka! paano ako naging sipsip?" tanong ko sa kanya. Relax pa rin ako.

"Shit! hina mo pala pumick-up, e!"

"Ah, yun ba? E, di sabihin ko kay Mama Sam..sa'yo na si Madam Luna." Tinalikuran ko siya at nagsimula akong maghubad ng damit.

"Putang ina! Wala akong pakialam sa matandang 'yun! Iyo na ang puke niya!"

Hinarap ko uli siya nang nakapaghubad na ako ng pantalon ko. Naka-brief na lang ako. "Hindi ako pumapatos. Itong titi ko, iniingatan ko.. gusto mo yata, e..sa'yo na." Sarcastic na ako.

"Tarantado kang hayop ka!" Dadambahan niya ako. Pero, cool pa rin ako. Alam kong hindi niya ako kakantiin. Takot niya lang kay Mama Sam. "Kung hindi ka lang.." Hindi na niya tinuloy. Tumalikod na lang siya at nagsasalita mag-isa. 

Alam ko naman ang sasabihin niya, kung hindi lang ako ang paborito..

"Kung minamalas ka nga naman. Ako na sana ang star dancer ngayong gabi, naging bato pa. Dumating-dating pa kasi ang kupal!" parinig ni Lemar. Pinatigil naman siya ni Jeffrey.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...