Followers
Tuesday, July 8, 2014
Red Diary 50: Iba Ka Na Pala Ngayon
"ASA K p!"
'Yan ang reply sa akin ni Riz, bandang alas-diyes na ng gabi. Grabe naman... Alanganin ang reply. Tapos, hindi naman positive ang sasabihin. Sana 'di na lang siya nag-reply.
"Uu. Umaasa aQ.." jejemon na reply ko, pero hindi ko sinend dahil baka lumaki ang ulo niya. Instead, sabi ko: "Iba ka na pala ngayon, Riz.." Pasalamat siya, gising pa ako. Kaya, nireplayan ko siya. Ka-chat ko kasi si Dindee.
"Ng-iBa k nga Rn eH"
Nag-iba?Anong pinagkaiba ko? Anong iba sa akin? Gwapo pa rin naman ako. (He He) Tumalino lang ako (Ha ha) ngayong taon at umaktibo uli. Pero, ako pa rin naman ang Red na kilala niya dati. Siya nga ito ang hindi namamansin at ayaw nang makipag-usap nang matino.
Sagot ko: "Kailngang mgbGo, my inspirsyon N kc."
Message sent na nang maisip ko na mali pala. Dapat hindi ganun ang reply ko. Lalo lang niyang iisipin na kami nga ni Dindee.
"tOMOOh!! iT'S A tIe!"
Anong ibig niyang sabihing, it's a tie? Ibig ba niyang sabihin na may inspirasyon din siya? At ang gunggong na iyon ang inspirasyon niya? Baka nga tambay lang 'yun, e. Hu hu. Saklap naman. Naunahan pa ako.
"Musta kaU ng BF u?" Hindi ko na napigilang magtanong. Sinamantala ko na nagre-reply na siya sa text ko. At least may chance na akong manligaw.
Alas-onse na ng gabi. Naghintay ako ng matagal para sa reply niya, pero... wala na. Okay lang naman. Masaya na ako ngayon dahil magka-text uli kami. Alam ko, unti-unti na niya akong papansinin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment