Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 31: Pogi Points

Successful ang harana ko kay Riz sa park. Nagdagsaan nga ang mga usisero at usisera. Para tuloy kaming sina Jadine. At parang sa teleserye. Kilig na kilig ang mga naroon. Nagpalakpakan. Nakita ko nga si Gio sa tabi, kayakap ang sarili. (Joke lang) Nakakakilig naman talaga ang harana ko. Praktisado kasi ako sa kinanta ko. Perfect ang chords ko. Medyo nanginig lang sa una ang boses ko, pero nabawi ko naman, later on, lalo na nang napansin kong kinilig na rin si Riz. Tinapos niya ang buong kanta ko. Kaya lang, nag-walk out siya pagkatapos. Hindi na niya nahintay ang speech ko. Shit! Hindi pa rin effective ang harana ko. Marami sana akong sasabihin sa kanya, kaya lang ang bilis niyang nakalayo. Sumingit sa mga nanuod. Hindi na rin naabutan ni Gio. Kaya, wala na rin akong nagawa. Nakakahiya tuloy sa mga miron. Nag-boo sila sa akin. Tapos, nag-alisan na. Mga buwisit! Kinilig naman sila… nam-boo pa. Mga walang respeto sa taong bigo. Mabuti na lang ay hindi tumawa si Gio, kundi… maiiyak talaga ako sa inis. Kung sina Rafael at Nico 'yun, malamang pinagtawanan pa ako. Baka, maihampas ko lang sa kanila ang ‘mamahalin’ kong gitara. Mamahalin, talaga? I mean, mahal kong gitara. Mabuti na lang isang maunawaing tapik sa balikat ang ginawa niya sa akin. Tapos sabi niya: "Ayos lang 'yan, Bro! I'm sure..." "Uma-aymsyur ka pa dyan, a!" biro ko rin, para mapagtakpan ang kabiguan ko. Nagtawanan kami. "Walang biro, Bro.. I'm sure… kinilig 'yun sa kanta mo." "O? Di nga?!" "Oo, Red! tingnan mo ha... Bakit niya tinapos ang kanta?" Oo nga. Tama ako. Pareho kami ng iniisip ni Gio. Masaya na rin akong matutulog ngayong gabi. Pakiramdam ko, nagka-pogi points ako kay Riz.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...