Followers

Saturday, July 5, 2014

Hijo de Puta: Siyete

Sa bus terminal na kami nagkita ni Paulo. Alas-siyete pa ako doon pero alas-otso na nang lumarga ang bus papuntang Pangasinan. 

Dahil hindi pa ako nakakabawi ng tulog, umidlip ako. Nagising na lang ako sa tapik ni Paulo sa binti ko. "Hector, malapit na tayo."

Bitin. Pero di bale na, malapit ko nang makaharap muli si Lianne.

Nasa tricycle na kami ni Paulo nang magsalita siya at nang ibigay niya sa akin ang planner. "Ibabalik ko sa'yo, ikaw na ang mag-abot kay Lianne."

"Sige." Yun lang ang tangi kong nasabi. May punto naman siya. 

Pinara ni Paulo ang tricycle sa tapat ng bungalow house na may gate na kawayan. Mapuno ang palibot ng kabahayan.

Malayo pa lang natanaw na ng isang matabang babae ang pagdating namin. "Paulo! Napadalaw ka. Tuloy kayo! Lianne nandito sina Paulo!"

Nang makalapit na kami, saka nagsalita si Paulo"Tita, si Paulo po. Kaibigan ko. May sadya siya kay Lianne."

"Magandang araw po!" bati ko sa ina ni Lianne. "Isusuli ko po kay Lianne ang planner niya. Naiwan niya po sa 7-Eleven noong Biyernes ng gabi."

"Ah, ganun ba? Sandali, tingnan ko kung tapos nang maligo." Iniwan na niya kami sa balkonahe. Sumunod si Paulo ilang sandali ang lumipas.

Alam kong nag-usap sina Paulo at Lianne, kasi matagal silang lumabas. At nang lumabas sila, na-star-struck ako kay Lianne. Para siyang diwata. Ang bago-bango niyang tingnan sa puting bestida. 

"Hello, Lianne!" Halos mautal pa ako sa pagbati sa kanya.

"Bakit nag-abala ka pa? Di ba sabi ko, hindi naman mahalaga yan sa akin?" Hindi naman siya galit. 

"Gusto ko lang isuli sa'yo. Sayang din.." Inabot ko na sa kanya ang planner.

"Well, thank you! Kinasabwat mo pa itong si Paula.."

Natawa at nagkatinginan kami ni Paulo. Tapos, bumulong si Paulo sa kaibigan. Kasunod niyon, tiningnan ako ni Lianne mula ulo hanggang paa. Mapanuri pero hindi ako naasiwa. Nag-enjoy ako habang hinahagod niya ng tingin ang katawan ko, hanggang magtagpo ang mga mata namin. Tila nagtatanong siya sa akin ng "Anong pakay mo sa akin?"

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...