Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 11: Replies
Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy, nagsolo ako. Pumunta ako sa dalampasigan. Malayo sa mga asungot kong pinsan. Pumuwesto ako sa tabi ng bangka. Malilim. Masarap ang hangin mula sa karagatan. Nakaka-relax...
Tinext ko si Riz. "Hello, Riz. Sorry for the late reply.Tungkol s tanong mo… hindi kami. Friends lng kmi.'’
Hinintay ko ang reply niya. Inorasan ko. Isang minuto lang, may reply na si Riz. Bilis!
"Tlg?!" sagot-tanong niya.
"Oo."
"Ah, ok!" ‘Yun lang. Wala na rin akong masabi. Para saan pa, kung magre-reply ako? Sabi ni Daddy, kapag ganyan daw ang sagot ng babae, galit siya. Naniniwala ako. Nagseselos pa rin si Riz. Hindi pa siya naniniwala.
Wala naman akong magagawa, kung magselos siya. Damdamin niya iyon. Ang tangi ko na lang magagawa ay sagutin ng totoo ang mga tanong niya. Dapat niyang maisip, na hindi naman ako magtatagal sa Aklan. Sa Manila pa rin ako mag-aaral. Kaya, isang taon ko pa siya makakasama sa school.
Kung pagtitimbangin, mas tipo ko si Riz. Mas kilala ko kasi siya kaysa kay Dindee. Kailan lang naman kasi kami nagkakilala. Hindi ko ipagpapalit ang pinagsamahan namin ni Riz.
Nang hindi na nagtext si Riz, ako na ang nag-text. "I'm getting jealous of the people getting close to you especially when you show them your care it's not that I'm being selfish or possessive I'm just worried that you'll be happy with them and you'll forget about me......."
Hindi ko na nahintay ang reply niya. Umuwi na ako.
Nakakapanibago si Riz...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment