NOON: "Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising."
NGAYON: "Magbiro ka na sa lasing. Huwag lang sa bagong gising na lasing."
Masakit sa ulo ang hang-over. Parang inaalisan ka ng utak..
Iyan ang naramdaman ko isang beses na nasobrahan ako sa lasing. Halos, ayaw ko pang bumangon--- ayaw pala NAMING bumangon. Dalawa kasi kaming may hang-over. Nag-sleep-over ang isa kong barkada sa bahay ko..
MGA BAGONG GISING NA LASING KAMI..
Ayaw pa sana naming bumangon kasi nga umiikot pa ang mga paningin namin.. kaya lang... NAAMOY namin ang SUKA..
Oo! SUKA!! Hindi Datu Puti na suka..
Suka! As in VOMIT.. o THROW-UP..
(PAUMANHIN sa mga KUMAKAIN...)
Isang mahabang unan lang ang ginamit namin ng barkada ko. Sa ulunan namin naroon ang S_K_.
SINO ANG SUMUKA?
"Ikaw!" sabi ko sa kanya..
"Hindi ako!" tanggi niya
"Hindi ko matandaan na sumuka ako." banat ko pa.
"Hindi ako sumusuka." palusot niya. "Ikaw ang sumuka!"
"Hindi nga ako!"
Antagal naming nagtalo. PAULIT-ULIT naming itinanggi ang suka..
Sampung taon na ang nakalipas....
WALA PA RING UMAAMIN...
Baka ang PUSA ng kapitbahay...
Lesson learned: HUWAG MAKITULOG SA BARKADA PARA HINDI MAPARATANGANG SUMUKA.
No comments:
Post a Comment