May dalawang magkaibigang langaw. Lasing silang pareho. Nakaapak ng tae ang isa.
Langaw 1: Ano 'to? Tae?
Langaw 2: Hindi tae iyan, pare!
Langaw 1: Tae nga iyan, pare!
Langaw 2: Tikman ko nga kung tae..
(Tinikman ni Langaw 2 ang naapakan ni Langaw 1)
Langaw 2: Tae nga! Putang ina! Mabuti na lang hindi ako ang nakatapak!
((((((:
Tawa naman d'yan.. PLEASE!!
Naalala ko tuloy nung kasagsagan ng kaharutan ko...
Dinala ko sa dalampasigan ang girl friend ko. Wala lang nag-beach combing lang kami. GABI iyon, eh. Tapos, nagtagu-taguan kami sa buhanginan.
BASTA!! Alam mo na 'yun.. Ang halay naman kung word for word kong ikukuwento. Hindi naman ito porn site..
Basta nagpalitan kami.. Oo, NAGPALITAN KAMI NG KURU-KURO...
Hinipo ko ang....mga buhangin. Gumawa ako ng kastilyo at dalawang bundok.. Tapos, nang ihihiga ko na siya..
IHIHIGA. Oo! Ihihiga. Kastilyo nga eh.. Matutulog na kami.. Bakit? May iniisip ka?
Nang ihihiga ko na siya.. Dahan-dahan. Suwabe. Naunang dumantay ang braso ko sa buhangin... POOOHta! TAE! Nangamoy tae ang braso ko. May nauna pala sa amin na gumawa ng bundok. Buwisit! Hindi natuloy ang pag ano namin...ang pagtulog!!
Sino ang gaganahan?
Lesson learned: HUWAG MAG-SUNBATHING SA GABI. Nagagalit ang mga nuno sa punso.
No comments:
Post a Comment