Followers

Saturday, July 12, 2014

My Wattpad Pamangkin 39

Nag-almusal lang kami, saka kami umalis. Kasama namin ang mommy at daddy ni Gelay at si Gelay, siyempre.. Dalawang pamilya. Thankful ako sa ama ng girlfriend ng anak ko dahil nauunawaan niya ang pag-iibigan ng aming mga anak, gayundin ang kanyang maybahay.

Sa isang malapit na resort kami pumunta. Kokonti lang ang customer nang dumating kami kaya mas na-enjoy namin ang lugar, maliban sa maganda naman ang mga amenities ng resort.

Tito at Tita, pwede ba kaming pumunta doon ni Gelay? si Zillion, didiskarte na. 

Pumayag naman agad ang mga magiging balae ko. Hehe. 

"Enjoy the place, son.." sabi ko naman bilang suporta sa kanya. So proud ako sa kanya dahil kaya niyang ipakita ang kanyang nararamdaman kahit sa harapan namin. He's a real man!

Nagtinginan kaming apat habang papalayo ang magkasintahan. Magkahawak-kamay sila.

Naaalala ko ang kabataan ko. Ang sweet ng anak mo, Sir Zander. sabi ng ina ni Gelay

Hay, naku, Mare.. Manang-mana sa ama! Ganyan ka-sweet ‘yang si Zander. Sinundot pa ni Maila ang tagiliran ko. Kinikilig pa rin ang asawa ko.

Ah, talaga? Kaya pala, Mare.. Pareho pala sila nitong Langga ko. Sumandal naman siya sa ama ni Gelay.

Ang sarap maging teenager, ano? sabi ko.

Oo, pare.. Pero, sana.. magabayan natin ang dalawang bata sa tamang relasyon. Ang babata pa nila.  Angela's father said.


Nangako ako sa mga magulang ni Gelay na magiging responsable ako sa paggabay sa aking anak para mailayo ang dalawa sa posibleng makasira sa kanilang kinabukasan. Naniniwala naman ang mag-asawa na kami ni Maila ay pawang mabubuting magulang kay Zillion. Ibinalik ko naman sa kanila ang aking papuri. Kaming apat ay pare-parehong magulang na mataas ang respeto sa virginity at matrimonya ng kasal. 

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...