Followers
Saturday, July 12, 2014
Red Diary 71: Congratulations!
Nakaka-tense ang counting. Lahat kami ay nakaabang sa resulta. Apat na classroom ang ginawang precints. Close ang votes namin ni Riz. Hindi makikita ang lamang. Nakaka-excite talaga.
Alas-dos y medya, nagtext si Daddy. "Wawa nmn c Red... lng dadi.. :p" Re-reply-an ko na sana nang makita ko siyang parating. Biniro lang pala ako. Sinalubong ko siya. Nakangisi na agad siya.
"Si Daddy, anlakas mang-asar.."
Tumawa muna siya, saka nagtanong. "Saan ang room mo? Samahan mo muna ako..."
Sinamahan ko siya sa room ko. Konti pa lang ang mga naroon. Wala pa si Mam… Tapos, bumalik na ako sa bench.
Alas-kuwatro, natapos ang counting. Hindi pa tapos ang meeting nina Daddy. Naghintay pa kami ng konting sandali, saka in-announce ang winners. Yehey! Panalo ako. Ang lamang ko kay Riz ay 123 lang.
Halos mapatalon ako sa tuwa. Worth it ang pinagpaguran ko. Nagbunga ang pagod at puyat ko. Umepekto ang appeal at kamandag ng gitara ko. Panalo ang platapormang HOPE.
Binati ako ng mga guro, ng ibang mag-aaral at ng ibang nanalo. Pero, hindi ko nakita si Riz.
Lima sa kabilang partido ang nanalo. Better luck next time, ang sabi ko naman sa mga kasamahan kong natalo.
Nang naghiwa-hiwalay na kami para puntahan ang aming mga magulang, naabutan ko si Riz sa labas ng classroom namin. Nginitian ko siya, habang palapit ako sa kanya. Tapos, inabot ko ang kanang kamay ko para makipagkamay. Tiningnan niya muna ako. Hindi siya sumimangot… Then, nakipag-shake hands siya sa akin. "Congratulations, Red! You deserve it!"
Whoah! Para akong nakuryente. Ang lambot ng kamay niya. First time ko siyang makadaupang-palad. Antagal naming magkahawak. Nagkatinginan pa nga kami sa mata. Parang gusto pa niya akong yakapin.
Sayang! Makikita kami ng mga parents namin…
“Thank you, Riz!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment