Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 8: Selfie
Kakaibang first time experience ang nangyari kanina. Enjoy na enjoy ako sa pagiging escort ni Dindee. Para akong artista, na pinagtitilian ang mga babae at bakla. Pero mas na-enjoy ko ang mahigpit na kapit sa akin ng reyna ko. Grabe makakapit! Akala mo ay tatakasan ko…
Tsansingera.
Na-enjoy ko rin ang mga picture-picture sa amin ng Mommy ni Dindee. Feeling ko nga, ikinakasal kami sa oras na iyon. Grabe maka-picture. Lahat na lang yata ng kilos namin ay nakuhaan.
Ang lakas ko kay Mommy.
Pagkatapos ng Santacruzan, kumain kami sa isang fine dining restaurant. Libre siyempre ng Mommy ni Dindee. Walang humpay uli na picturan at selfie-han. Nakipagkuwentuhan din sa akin ang mag-ina. Cool silang kausap. Na-enjoy ko ang company nila. Para rin kasi silang magbarkada.
Ang cute nilang tingnan! Di nakakaasiwa.
Parang kami rin ni Mommy. Parang kami ni Daddy, kapag nagkulitan… Ito siguro ang sinasabi ng iba, na kapag maagang nag-asawa ang isang tao, ang anak niya ay halos kabarkada niya lang. Ayos naman! Nakakatuwa.
Na-miss ko na tuloy si Daddy.
Hinatid nila ako pauwi. Naka-wheels kami. Kaya, kahit naka-barong pa ako ay ayos lang. Tapos, nag-stay pa muna sila sa bahay nina Lolo at Lola. Magkakakilala pala sila. Coincedence pa na kaklase pala ni Mommy ang Mommy ni Dindee. Whooah! Small world.
Destiny ba ito?
At dahil naniniwala si Dindee, na iyon na ang huli naming pagkikita, nagpalitan kami ng cellphone number. Ini-add niya na rin ako sa Facebook, Instagram at Twitter. Ita-tag daw niya kasi sa akin ang mga pictures namin.
Alas-onse na sila nakauwi. Pero, bago sila nakaalis, nag-selfie pa kami ni Dindee sa Apple niya. Hindi iyon nakita ng Mommy niya, kaya medyo napalapit ang mga pisngi namin. Ang sweet!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment