Followers

Saturday, July 5, 2014

Red Diary 7: Allergy

Nakalimutan ko pa lang magbaon ng anti-histamine. Kaya, kanina, pagkatapos ng masarap na kainan… nangati ako. Allergy! Hindi naman ako ganoong kahirap kaya allergy. Hindi galis ang tawag ko dun. Wrong timing nga, e. Kung kelan ilang oras na lang ay Santacruzan na. Pag hindi pa ito humupa, sayang ang Barong Tagalog na ipinatahi pa ng Mommy ni Dindee para isuot ko mamaya. Pero, alam ko, mawawala na rin ito. Hindi na makati. Salamat kay Dindee. Right timing ang dating niya. Sinakay niya ako sa kanyang motorsiklo para bumili ng Benadryl tablets sa Mercury. Nakainom agad ako. Hindi ko nga alam, kung bakit gusto niya pang makita ang barong sa katawan ko. Ipina-fit pa sa akin. ‘Yan tuloy, naabala pa siya. Ipinag-drive pa ako. Kaya lang, mali! Ako dapat ang nag-drive. Kung marunong lang sana ako... Ayaw naman ni Daddy na matuto akong magmotor. Delikado raw. Mas mabuti pa raw na mag-aral akong mag-drive ng kotse o kahit na anong four-wheels. Sus! Ang weird ng tatay ko. Di bale na... Naka-score naman ako kanina kay Dindee. Pinakapit niya ako sa tiyan niya para raw ‘di ako mahulog. Nakakatawa! Baliktad talaga. Sabi pa niya: "Usog ka pa dito…" Hmmm. Sarap! Ang bango pa ng buhok niyang kinulot-kulot. First time kong maka-score. Hindi ko pa iyon intensiyon at hindi ko sinasadya. Allergic talaga ako sa amoy ng babae. Lolz. Heto pa... Hindi ko talaga lubos maisip, kung paano ako naisahan ni Dindee. (Naisahan, talaga!?) Akalain mong pinayuhan niya akong magpahid ng suka sa katawan para mawala ang kati. Sinunod ko naman agad, kasi sobrang kati talaga at ang lalaki ng mga pantal. Whoooh! Siya pa ang nagpahid ng suka sa katawan ko. Hubad-baro ako siyempre, kaya nahaplos niya at napagmasdan ang katawan ko… Oooh! Sarap! Ang sarap palang maging hari. Sabi pa niya: "Walang malisya, Red!" Wala sa kanya. Sa akin, meron. Akala niya lang wala, pero meron, meron, meron... Halos pati nga singit ko, gusto niyang lagyan ng suka, e. Abusado! Salamat sa allergy ko.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...