Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 9: Text Messages
Alas-nuwebe na ako nagising. Napuyat ako kagabi sa kakaisip sa mga nangyari kahapon, na kasama ko si Dindee at ang kanyang Mommy.
Pag-open ko ng cellphone ko, nabasa ko lang naman ang mga messages ni Riz.
Gud mownin"! :)
muxta?
“A friend is someone who knows all about you and still loves you." -- Elbert Hubbard
"Siya na ba ang girlfriend mo?" :(
Wala akong load. kaya hindi ko siya ni-reply-an. Siguro, nag-upload na si Dindee ng mga pictures namin kagabi sa Santacruzan. Tapos, tinag sa akin, kaya nakita ni Riz.
Selos naman agad si Riz. Pictures pa lang naman ang namagitan sa amin ni Dindee.
Ganyan pala ang mga babae. Pakitaan mo ng sweetness ay mag-a-assume, na kayo na. Hindi pa nga ako nanliligaw. Hindi pa kasi ako marunong manligaw. Oo, type ko silang dalawa, pero ‘di ko alam, kung sino sa kanila ang papasa sa standards ng Mommy at Daddy ko. Sila ang mga idols ko, kaya ang unang babaeng iibigin ko at nararapat lang na ayon sa kanilang kagustuhan.
Mamaya, pagkaalmusal ko, re-reply-an ko si Riz. Kakausapin ko rin si Mommy tungkol kay Dindee. Boto kaya siya?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment