Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 12: Isang Araw
Isang oras ang lumipas, hindi pa rin nag-reply si Dindee. Nakapag-reply pa siya kanina sa akin. Nakakapanibago siya. Dati-rati naman ay lagi siyang may text sa akin. Ginagawa na niyang hobby ang pag-send ng greetings at quotes. Bakit ngayon… nag-lie low siya?
Miss ko na ang mga jejemon text niya... Miss ko na siya.
Hanggang kailan kaya niya ako kayang tiisin? Hanggang kailan ko rin kaya siya kayang unawain? Kung kelan pinag-iisipan ko na ang panliligaw… kung kelan handa na akong maranasan ang mag-syota, saka pa niya ako lalayuan at titikisin. Kung kelan malapit ko na siyang mahalin...
Handa akong maghintay ng isang araw.
Kapag hindi niya ako tinext sa loob ng isang araw, ibig sabihin… sumuko na siya. Ayaw na niyang hintayin ako. Ayaw na niyang mahalin ako.
Madali rin lang akong sumuko sa lahat ng bagay. Siguro ay ganoon din sa pag-ibig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Elias Maticas 11
Elias Maticas 11 “Kaya mo pa ba, Elias?” tanong ni Papay Oliver pagkalabas nila sa bakuran nina Tio Gadoy at Tia Mameng. Nakaakbay i...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment