Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 17: Kulang sa Pansin
Mabuti pa si Dindee, panay ang text sa akin. Pero, si Riz, wala talaga. Ni Hi, ni Hello... Nakakalungkot. Nami-miss ko ang mga text niya. Kahit pala jejemon ay nakaka-miss din.
Kaya, tinext ko ang bff niyang si Roma. Kinumusta ko kunwari, tapos saka ko kinumusta si Riz. Nagtaka nga siya, kung bakit hindi rin nagte-text sa kanya. Biro ko nga, baka naghihirap na.
Grabe pala magtampo si Riz. Kahit pala mga kaibigan namin ay tinitikis. Online naman siya lagi sa Facebook, pero hindi siya nagpaparamdam o nagpapapansin gaya ng dati. Walang status update. Walang comment. Walang like.
Lalo niya akong pinasasabik. Lalo ko siyang minamahal… Kaya, hindi ako titigil. Naisipan kong magpasaring sa kanya, through my FB post. Sabi ko: "Gusto kitang mahalin. Give me a chance.”
Maraming nag-comment sa post ko. May nag-uuy. May nag-weey. May nagsabi ng "Di nga?!" May ng comment ng "Boom Panes!" Nakakaasar. Di naman sila ang inaasahan kong magko-comment. Walang kuwentang mga comments.
Nag-post uli ako...
"MANIWALA KA, IKAW ANG MAHAL KO..'' Caps Lock, para intense at para kapansin-pansin.
Oo, kulang na ako sa pansin. Nauunawaan ko na ngayon si Riz. Masakit pala talagang mabale-wala ng crush mo. Kung hindi lang ako naging manhid dati. Kung hindi ko lang in-exaggerated ang pagpapari, malamang masaya kami ngayon ni Riz. Kung hindi ko sana nakilala si Dindee, patuloy pa rin sana siyang nagpapansin at nagpaparamdam sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment