Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 18: Si Daddy
Bago ako natulog, nagkausap kami ni Daddy sa cellphone. Nabasa raw niya ang post ko sa Facebook, kaya tumawag siya. Natutuwa raw siya dahil nagbibinata na ako. Nami-miss na niya ako. Tinanong niya rin ako, kung kelan ako babalik sa Manila.
Nakakatuwa rin si Daddy. Mas excited pa siya sa lovelife ko. Okay lang naman. Sanay na ako sa kanya. Open ako sa lahat ng bagay sa kanya. Siguro, nakatulong din ang pagiging mabait at hands-on father ni Daddy sa akin. Hindi siya pabayang ama. Hindi rin naman ako spoiled sa kanya. Paminsan-minsan ay hinihindian niya ako at pinagbabawalan. Nauunawaan ko naman siya. Para sa kabutihan ko naman ang mga ipinagbabawal niya, like bawal magyosi, uminom ng alak, magsugal at mag-droga. Di bale raw mambabae. Ayos talaga ang Daddy ko. Gusto pa yatang mamana ko ang pagiging babaero niya. Dapat nga, tinuturuan niya akong maging faithful…
Gayunpaman, idol ko siya, dahil kahit babaero siya, responsible father pa rin siya. Lahat ng pangangailangan ko ay prino-provide niya. Minsan nga, naisip ko… mas maasikaso pa siya kesa kay Mommy. Kahit may trabaho silang pareho, si Daddy ay talagang may oras pa para ipagluto at ipaglaba ako. Workaholic masyado si Mommy. Tapos, madalas akong ipasyal ni Daddy. Madalas kaming mag-bonding, kahit simple lang, gaya ng pagbabasketball, pagswiimming sa pool, pagba-biking, paglalaro ng remote control car at helicopter, pamimili ng mga damit sa Divisoria at marami pang iba. Kaya nga, gustong-gusto kong tumira sa kanya. Ayoko kay Mommy kasi sa yaya niya ako inaasa. Hindi ko pa siya makausap.
Kapag ganitong may problema ako sa puso, si Daddy ang kailangan ko. Siya ang alam kong makakatulong sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment