Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 22: Baliw
Nasa RORO bus ako. Sabi ko kina Mommy, mas gusto ko ang magbarko kesa mag-eroplano. Kahit matagal ang biyahe, basta makapagnilay-nilay pa ako, habang nasa biyahe. Hindi naman ako nagmamadali. Na-realize ko kasi na kailangan ko ring pag-isipan ang panliligaw ko kay Riz.
Paano kung boyfriend niya na nga ang lalaking nasa FB niya? Paano kung ayaw niya akong kausapin? Paano kung laging nakatanghod sa kanya ang karibal ko? Paano ako?
Hindi ko lubos maisip, kung ano ang dapat kong gawin. Nalilito ako. Kinakabahan. First time kong manliligaw. Baka first time din akong mabugbog dahil sa pag-ibig na 'yan! Pero, kung dahil lang sa pagmamahal ko kay Riz, handa akong ipaglaban siya. Handa akong makipagsuntukan.
E, ano kung ayaw niya sa akin? E, ano kung may boyfriend na siya? Kasal na ba sila? Asawa nga, naagaw pa ng iba. Si Riz pa kaya.
Aagawin ko siya. Ganyan ako karubdob kay Riz.
Ayos lang din, kung pagtawanan ako ni Daddy dahil hindi ko in-apply ang batas ng mga playboy. Okey lang kung basted ako sa una kong pag-ibig. Hindi naman siguro bawal mabigo ang gwapo. Wala naman sigurong parus, kapag umiyak ang lalaki dahil sa kabiguan.
At kung luluha man ako dahil kay Riz, hindi ko iyon pagsisihan. Hindi ako magagalit, ni magatatampo sa kanya. Kasalanan ko. Nagparamdam na siya ng pagmamahal sa akin, pero binalewala ko. Ngayong, pag-aari na siya ng iba, pilit ko naman siyang inangkin at inaasam.
Baliw ka, Red.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment