Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 23: Safe
Andito na ako sa bahay. Sinundo ako ni Daddy sa pier. Andami ko kasing dala. Andaming ipinadalang pasalubong sina Lolo at Lola. May alimango. May hipon. May puto-seko. Para daw sa mga kamag-anak ko sa kanila.
Dumating ang mga ninong at ninang ko. Inimbita ni Daddy. Nagmano lang ako sa mga ninong ko at nag-kiss naman sa mga ninang, tapos nagkulong ako sa kuwarto. Gusto ko kasing magpahinga. Hindi naman ako nagkaroon ng maayos na tulog sa barko. Inukopa kasi ni Riz ang isip ko.
Ngayon, kalilimutan ko muna siya para makatulog ako. Ilang oras na lang ay mag-gagabi na, kaya okay lang na makatulog ako. Kahit hindi na ako makakain. Nagmeryenda naman kami ni Daddy sa Chowking nang sinundo niya ako. Sana lang hindi na niya ako gisingin.
Tinext ko na lang si Daddy. Sabi ko, huwag na niya akong gisingin para kumain. Pagod at puyat ako, kaya matutulog na lang ako magdamag. Pumayag naman siya. Nanghinayang lang siya sa pagkakataon na makapag-videoke sila ng mga kumpare at kumare niya. Matagal-tagal na rin kasi silang di nagsama-sama. Ok lang naman po, sabi ko. Makakatulog na rin po siguro ako. Hindi na raw. Magkukuwentuhan na lang daw sila. Tutal naman daw, malapit na ang birthday niya, dun na lang sila magkantahan.
Napakamaunawain talaga ni Daddy.
Bago ako pumikit, tinext ko muna si Mommy, na nasa bahay na ako at magpapahinga. Thanks, God daw at safe ako. Na-miss na niya raw ako agad. At, sa katapusan na raw siya babalik.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment