Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 21: Goodbye, Dindee!
Kinausap ko si Mommy kanina. Sabi ko, gusto ko nang bumalik sa Manila. Dinahilan ko ang enrollment. Ayaw pa niya sana akong payagan dahil isasama pa niya ako sa alumni homecoming ng high school batch nila. Ipakikilala raw niya ang pogi niyang unico hijo sa mga amigo at amiga niya.
“Sus! Maa-out-of-place lang po ako dun,”sabi ko. “Next time na lang po.”
"Musta na kayo ni Dindee?" Nagulat ako sa tanong niya. Si Dindee pa rin pala ang nasa isip niya. Siguro ay pinag-uusapan na nila ako. Arrange marriage? Ayoko nga…
Ako ang mamimili ng iibigin ko…
Paranoid lang ako. Wala naman sigurong nangyaring ganun. Hindi ko lang talaga puwedeng mahalin agad si Dindee. Nasa kay Riz na kasi ang puso ko. Mabuti nga't uuwi na ako bukas ng hapon sa Manila. At least, matatapos na ang pangrereto ni Mommy at mga pinsan ko kay Dindee.
Magugulat na lang si Dindee, ‘pag malaman niyang nakauwi na ako. Ang alam niya sa weekend pa ako uuwi. Hindi na natuloy ang pag-disco namin. Bahala siya... Kung gusto niya talaga ako, hahayaan niya na ako ang manligaw sa kanya. Ayoko namang ako ang ligawan. Turn-off para sa akin ang babaeng nagpi-first move.
Kaya, goodbye, Dindee!
See you, Riz!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment