Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 24: That's My Dad!
Ang sarap ng tulog ko. Balewala ang kuwentuhan at tawanan nina Daddy sa sala. Hindi na rin sumagi sa isip ko si Riz. Kaya lang, andaming text mesages sa inbox ko.
Si Dindee ang may pinakamaraming text. Nagtatampo raw siya sa akin dahil hindi ako nagpakita o nagpaalam man lang sa kanya, bago ako bumalik ng Manila. Sa pinsan ko pa raw niya nalaman na nakaalis na ako.
Ang mga barkada ko naman, panay ang paalala ng pasalubong. Letse, pumunta kayo dito sa bahay para makatikim kayo, reply ko sa kanila.
Si Mommy naman ay panay ang bilin. Mag-enroll na Raw ako agad. Ang vitamins ko Raw, 'wag kong kalimutan. Huwag daw akong magpapatuyo ng pawis. Bawas-bawas daw sa barkada. Aral-aral din daw, ‘pag may time.
Hay! Stressful.
Gusto ko rin naman uling maging honor student, kaya lang kulang ako sa inspirasyon. Apektado ako ng paghihiwalay nila ni Daddy. Last year, hindi na ako kasali sa Top Ten. Gayunpaman, matataas pa rin naman ang grades ko. Kailangang kung i-maintain, dahil kung hindi, yari ako kay Daddy. Ililipat niya ako sa private school. Ayoko sa private! Mas okay na ako dito sa science high school. Public, pero quality. May mga barkada pa akong jologs.
Ayokong ma-stress sa pasukan. Gusto ko lang ma-enjoy ang high school life ko, habang tinutupad ang pangako ko kay Daddy, na hindi bababa sa 84 ang mga grades ko. Gusto ko munang pagbigyan ang puso ko. Huling taon ko na sa high school, kaya kailangang makaranas naman akong magmahal at mahalin ng babaeng kaedad ko.
Si Riz na ang gusto kong mahalin.
Ilang araw na lang, magkikita na kami. Hindi man niya ako tini-text ngayon, alam ko kapag nagkausap kami ay mawawala na ang tampo niya sa akin. Gusto ko nga sanang puntahan siya sa bahay nila, kaya lang baka hindi rin makatulong. Sa ngayon, ang tangi ko lang magagawa ay patuloy siyang i-text ng mga quotes. Makikipagkuwentuhan din ako kay Daddy para mai-open up ko ang bagay na ito.
Sabi nila, Mothers know best. Tama naman. Sabi ko naman, Fathers know the rest.
May alam din ang mga ama, na hindi alam ng mga ina... Si Daddy, willing makipag-usap sa akin, kahit na anong topic. Kahit siguro about sex. Ganyan siya ka-accessible. Kahit nga lasing siya ay matino ko pa siyang nakakausap. Iyakin nga lang, kapag nalalasing nang sobra.
That's my Dad!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment