Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 25: Like Father, Like Son
Naglinis ako ng bahay, buong hapon, habang nasa opisina si Daddy. Mula siguro nang nagbakasyon ako sa Aklan ay hindi nalinisan ang bahay. Naunawaan ko naman siya. Isa pa, hindi naman masyadong marumi. Alikabok lang at konting kalat.
Napuri ako ni Daddy nang makita niyang luminis ang kabahayan. Sabay sabing "May hihingin na naman ba ang binata ko?" Napatawa kami pareho.
"Wala po," depensa ko. "Wala rin po akong lagnat.”
Nakipag-apir pa sa akin si Daddy. Cool Dad!
Habang nagdi-dinner kami, ipinasok ko na ang agenda ko: si Riz. Speechless si Daddy. Hindi niya nasabing ngayon lang ako magkakasyota. Ang sabi lang niya, "Simple lang. Ganito..."
Binigyan niya ako ng mga tips, kung paano malalamang may gusto ang isang babae sa lalaki. Pinayuhan din niya ako, kung paano mapapaamo si Riz at kung paano maaagaw sa iba ang natitipuan.
Ilibs na talaga ako kay Dad! Sana lang ay magawa kong lahat ang mga sinabi niya. Sana lang din, hindi ako dalain ng katorpehan. Kapag nangyari iyon, malamang pagpapari talaga ang bagay sa akin.
Proud akong masabihan ng "Like Father, Like Son". Magiging proud kaya si Daddy, kapag nagpari ako?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment