Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 26: Unli
Naisipan kong mag-load sa cellphone ko. Nag-unlitext ako. Trip ko kasing makipag-text ngayong araw.
Nag-GM ako. Sabi ko: ‘’Guys, musta? Samahan niyo naman akong mag-enroll bukas. Tinatamad ako ngayon. Kita-kita tayo sa school. Mga 8AM.
Nag-reply ang ilan. Ok raw. Pasalubong naman ang sagot ng iba. Ang karamihan, hindi makakapunta kasi may gagawin. Naka-enroll na rin kasi sila. Pero, ang pinaka-best friend kong si Gio ang nakipagkulitan sa text. Unli rin daw siya.
Naikuwento ko tuloy sa kanya ang mga nangyari sa bakasyon ko sa Aklan, pati si Dindee. Boto raw siya kay Dindee. Maganda raw. Mayaman pa. Hindi ko naman tinitingnan ang yaman ng isang tao. Mas gusto ko ang babae, kapag siya ang tinitibok ng puso ko.
Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na ipagtapat sa best friend ko ang tungkol sa pagtingin ko kay Riz. Tinawanan ako ni Gio. Minura pa ako. Dati-rati raw, dinededma ko, ngayon patay na patay ako. Anyare?, dagdag pa niya.
Hindi naman ako nahihiya sa pagtatapat ko. Alam ko naman ang karakas ni Gio. Hindi niya ako ilalaglag. Sabi pa nga niya, tutulungan niya raw ako, kung talagang si Riz ang gusto ko.
Sulit naman ang unlimited text ko. At least, nakapagplano na kami ni Gio ng mga gagawin, sa unang araw ng pasukan at ng mga hakbangin para pansinin ako ni Riz.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment