Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 28: Online
Nang dumating si Daddy, agad kong ginawa ang madalas kong gawin sa kanya. Hinubaran ko ng sapatos at medyas. Tinimplahan ko ng kape. Tapos, minasahe ko. Halos makatulog nga sa sarap kong magmasahe. Kaya lang, hindi ko hinayaang makatulog kasi magluluto pa siya ng ulam namin, saka kailangang kong ikuwento ang pagdalaw ng mga barkada ko kaninang tanghali.
"Walang problema, Red.”
Ayos! Lusot ako. “Kaya lang, wala na po tayong uulamin ngayon”, sabi ko. Meron naman daw de-lata. Magbukas na lang daw kami. Masakit daw kasi ang katawan niya. "Ok po."
Pagkakain, natulog na si Daddy. Ako naman, nag-Facebook.
Online si Riz at Dindee. Tinurn-off ko ang chat kay Dindee. Alam ko, makikipag-chat na naman siya. On lang siyempre kay Riz, baka-sakaling mag-PM siya sa akin.
Nagbilang ako ng limang minuto. Wala pang message mula kay Riz. Ni-like ko nga ang mga godly quotes na shinare niya sa isang page. Papansin lang. Baka-sakali... Pero, wala pa rin.
"Thanks for being there for me.." Iyan ang update status ni Riz. Ilang segundo pagkatapos kung i-like ang comment niya sa photo ng tita niya.
I hit LIKE.
Masakit kung iisipin, kung hindi naman ako ang pinasasalamatan niya. Masarap naman sa loob, kung sa akin siya nagpapasalamat. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na para sa akin ang status niya. Pero, hindi! Hindi ako. I was never there for her.
Nakakapanlumo. Going strong na nga ang relasyon nila ng #$@%*&^% 'yun! Tapos, mababasa ko pa ang mga comments ng common friends namin at mga ‘di ko kilalang nilalang. Congrats, daw. "I'm happy for you, gurl!" sabi pa ng isa. "Musta na, friendship? Kayo na pala." sabi pa ng isa.
Bad trip! Pang-asar ang mga 'yun. Kilig na kilig sila. Di nila alam, na selos na selos ako. Sana ‘di na lang pala ako nag-online.
"Hi, Riz! How r u?! I knw ur happy now.. I miss u!" PM ko 'yan kay Riz, bago ko pinatay ang desktop ko. Sana, mag-reply siya. Kahit anong sabihin niya, ayos lang. Ang importante, kausapin niya ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment