Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 29: Gio

Nag-check ako ng FB notifications ko, pagkatapos kong mag-almusal at pagkaalis ni Daddy papuntang trabaho. Walang message mula kay Riz. Wala ring like mula sa kanya. Mabuti pa nga ang post ng iba, ni-like niya. Wala. Nawawalan na ako ng pag-asa kay Riz. Hindi ko na yata mahihintay pa ang pasukan. Gusto ko na siyang makausap. Miniskol ko rin siya. Tinext ko uli ng ‘Good Morning’. Pinadalhan ko pa ng love quotes. Wala pa rin. Nag-send din ako ng nakakatawang jokes. Pero, wala talaga. ShiiiT!! Nauubusan na ako ng ideya. Haranahin ko na lang kaya siya? Papatulong ako kay Gio. Ipapa-set-up ko sa kanya ang araw at oras. Hindi na uso ngayon ang harana, pero dahil sa kanya, muli kong pauusuhin. Hindi na ako mahihiyang gawin iyon, pansinin niya lang ako. Sana pumayag si Gio, na tulungan ako. Siya lang naman kasi ang puwede kong asahan. Ang iba naming barkada, kain lang ang alam nun. Magpalibre at mang-asar. Mga bano naman. Mabuti pa si Gio. Kapag may inutos ako, parang asong susunod agad. Mahirap ang ipapagawa ko sa kanya, pero kapag siningil ko siya ng mga naitulong ko sa kanya sa mga assignments, projects, quizzes, at tests, baka mahiya siya sa sarili niya. Alam kong hindi niya ako bibiguin.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...