Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 5; Torpe
HeLLoW poeh! Muxta?! NXa aKL@N k p Rn vaH?
Text message 'yan sa akin ni Riz. Ngayon-ngayon lang... Hindi ko pa nire-reply-an
Si Riz ang isa sa mga jejemon kong kaibigan slash kaklase. Sa lahat ng jejemon textmates ko, siya lang ang napagtitiyagan ko. Ang iba kasi over maka-jejemon. Hindi ko na mabasa at maintindihan. Tinalo pa ang mga calligraphies ng mga Hapon at Griyego.
Siya lang din kasi ang masipag mag-gud am, mag-gud pm at mag-gud nyt. Nakakatuwa din siya kahit paano, kasi parang sa akin na lang yata niya ginagamit ang load niya. Punung-puno na rin ng quotes ang inbox ko. Iba-iba. May inspiring quotes. May LOVE QUOTES!
Ang huli niyang love quotes na sinend sa akin ay: "You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams." - Dr. Seuss
Ginamit niya pa si Dr. Seuss... Kunwari pa siya. May gusto lang siya sa akin. Kasi nagtext uli siya. Sabi niya: "DI AKO MAKATULOG". (Capital letters para intense).
Di ako SLOW. Torpe lang…
Reply ko: "Drink milk, Riz! Di rin ako makatulog..."
Awwwwstsu!!!!
Buwisit ang torpe ko talaga. Bakit ba hindi ako nagmana sa Daddy ko? Kung gaano karami ang naging chicks niya noong kabataan niya, ako naman... bokya!
Gusto ko rin namang magkasyota, bago ako tuluyang pumasok sa kumbento. Gusto ko rin sanang matikman ang ki... kilig ng pagkakaroon ng kasintahan. Siyempre, kung paano humalik, mahalikan, makipaghalikan… ATBP.
"Pogi mo, anak!' Madalas sabihin iyan ni Daddy sa akin. Kaya lang may kasunod pa... "Kaya lang… mukhang lambutin, a."
Naaasar ako, kasi akala niya beki ako... Hindi alam ni Daddy na torpe lang talaga ako. Kung alam niya lang. Halos tukain na ako ng mga sisiw. Ramdam ko namang maraming nagka-crush at naglalaway sa akin. Mapababae man o mapalalaki. Pero, anong magagawa ko, kung hindi nga ako marunong dumiga ng babae?
Makatulog na nga...
Gud nyt, Riz!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment