Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 6: Pressured
Hindi agad ako nakatulog kagabi. Mukhang tinamaan ako sa love quote, na tinext sa akin ni Riz.
You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams.
Paulit-ulit kong binasa. Halos, ma-memorize ko na nga…
In-love na kaya ako? Sabi nga ni Dr. Seuss, kapag ‘di ka raw makatulog, in-love ka dahil ang katotohanan daw ay mas mabuti kaysa sa panaginip. Hmm…
Riz… O, Riz... Ikaw ang dahilan ng puyat ko. Paano ko ba sa'yo sasabihin na... na... na... gusto kita? Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang manligaw sa akin? Kasi, torpe ako... Hayaan mo, sasagutin din naman agad kita. Hindi kita pahihirapan.
Buwisit ka, Red! Ikaw pa ang magpapaligaw!
Oo nga naman... Ako ang lalaki. Ako ang dapat nanliligaw. Nagpaparamdam na nga si Riz, hindi ko pa samantalahin. Palay na nga ang lumalapit sa manok, hindi pa tukain.
Torpe mo, Red!
Katorpehan ba talagang matatawag ito? Baka choosy lang ako. Siyempre, Igop Lord ako. Kailangang mamili. Sabi nga ni Mommy, kapag magnonobya raw ako, piliin ko daw ang the best…
Wow! The best talaga?! Di ba puwedeng better… Ang hirap namang humanap nun. Perfect na ‘yun, e.
Pressured ako.
Si Daddy, gusto niya na akong magkasyota. Wala siyang standards. Playboy style. Si Mommy naman, "the best" ang gusto. Sino ang susundin ko? Paano ko mahahanap ang mga gusto nila? Paano kung 'the beast" ang gusto ko--- The Beast na mayaman?!
Naisip ko rin... Dapat ko ba silang isaalang-alang sa pagpili ko ng syosyotain? E, ako naman ang makikisama, hindi naman sila. E, bakit sila? Di naman nagwork ang relasyon nila.
Si Mommy, the best ang gusto. Si Daddy ba ay The Best? Pogi lang ang Daddy ko, pero laki sa hirap at palahanap ng chickas... Kaya, ayun… hiwalay sila.
Si Daddy naman, talagang kahit sino, papatusin. Paldahan mo nga lang ang poste ng Meralco ay syosyotain na niya. Ganyan ba ang gusto niya sa akin?
Pressured. Stressed....
Magpapari na nga lang siguro ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment