Followers

Tuesday, July 8, 2014

Red Diary 51: Love Songs

“It is better to be hated for what you are than to be loved for what you are not.” Quotation 'yan ni Andre Gide. Ewan ko kung sino siya. Nabasa ko lang sa internet. Nagustuhan ko, kaya sinend ko kay Riz. Nakakarelate ako, e. Gusto ko kasing mahalin niya ako kung ano at sino ako. Kaya ko namang tanggapin ang galit niya sa akin, as long as, ‘di naman totoo o hindi ko naman ginawa ang iniisip niya. Kung hindi siya magre-reply ngayong umaga, ayos lang. Ang mahalaga naman ay buo pa rin ang loob ko na maging inspired para sa aking pangarap na karangalan, pagdating ng graduation day. Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob dahil lang sa ayaw niya akong pansinin. Gagawa at gagawa pa rin naman ako ng paraan para mapansin niya ako. Ngayon pa lang, pag-iigihan ko na ang pagtugtog ng gitara. Alam kong ito lang ang tanging paraan para mapansin niya ako. Kailangang kong pag-aralan ang chords ng "Ngiti". Gustong-gusto ko ang kantang ito ni Ronnie Liang kasi ngitian lang ako ni Riz, buo na ang araw ko. Isang linggo niya akong sinamangutan, kaya this Monday, humanda siya dahil mahuhumaling lalo... AKO sa kanya. First time kong dadalhin sa school ang gitara ko. Sana pwede naman. Anyway, hindi naman ito deadly weapon. Mas gusto nga ng ibang teachers na may talent ang mga estudyante nila. Kesa naman, manggulo lang ako. Mag-aaral ako buong araw ng mga love songs para mas marami akong armas. Baka humirit pa si Riz ng ''More!" Maganda na rin ang maraming alam na kanta para may variation. Kailangan laging pang-concert ang mga nakahanda kong kanta. Pag-aaralan ko ang "Iris", "You Needed Me", "Only You", "More Than Words" at "All My Life". Mamaya naman ako magsusulat.. Gitara muna. Love songs, here I come!

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...