Followers
Tuesday, July 8, 2014
Red Diary 52: I.T.
Tumawag si Dindee sa kalagitnaan ng paggigitara ko. Isang oras din kaming nag-usap. Medyo nasayang ang oras ko na maigugugol ko pa sana sa pagpa-practice ng mas maraming love songs. Wala rin naman akong nagawa, kundi kausapin siya at sagutin ang lahat ng mga tanong niya.
Grabeng kulit ni DIndee!
Kinukulit ako, kung may girlfriend na raw ba ako sa school ko. Ayaw niyang maniwala nung una, pero nang sinabi kong may nililigawan ako ay biglang natigilan. Ilang segundo ring ‘di ko narinig ang boses niya.
Ang nasabi niya lang ay "Ganun ba? Sige, good luck sa'yo!" Tapos, sinabi na niya na hindi siya pinayagan ng Mommy niya na sa Manila mag-college kasi hindi raw kaya ng kanyang ina na mapalayo sa kanya. Sila na nga lang ang magkasama sa bahay ay lalayo pa siya. Isa pa, ayaw din ng Daddy niya, kasi baka raw kung mapaano siya sa Manila.
Para hindi na isipin na wala akong masabi, sabi ko naman ay: "Sanayan lang naman sa Maynila. Noong unang salta ko dito sa Maynila, nahirapan din ako. But, later, nasanay na ako. Nagamay ko na."
Yun nga ang sabi ko kay Mommy. Umiyak pa nga ako, e... Ilang araw na lang pasukan na ng college dyan… Makakahabol pa kaya ako?"
"Pwede pa siguro sa ibang school, huwag lang sa mga universities o big school," sagot ko, kahit ‘di naman ako sigurado.
"Oo, hindi naman ako dun. Kahit saan basta ang course ko ay IT."
"A, IT pala ang gusto mo?"
Marami pa kaming napag-usapan. Gusto pa rin daw niyang humabol sa enrollment dito sa Manila. Gagawa raw siya ng paraan. Hindi naman ako nagbigay ng interes, kaya naiba ang usapan namin, hanggang sa maputol na ang usapan. Ipinagpatuloy ko naman ang pagigitara.
Si Daddy naman ay niyayaya akong manood ng sine. Hindi naman magaganda ang pelikula, kaya hindi kami natuloy. Natulog na lang siya, pagkatapos maglaba ng mga damit namin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment