Maagang-maaga pa ay gising na kami ni Daddy. Napagplanuhan kasi namin kagabi na mag-biking kami today.
Pagka-almusal namin ng heavy breakfast, lumarga na kami.
Tig-isa kami, siyempre, ng mountain bike ni Daddy. Parehong red ang bisikleta namin. Parehong-pareho. Nabili kasi namin nang buy-one-take-one. Four years ago na. Maingat kami, kaya hindi pa laspag.
Maingat din kaming magmaneho. Complete safety gear din.
Enjoy kami sa ganung activity. Ang sarap pagpawisan sa umaga. Tapos, hindi pa nakakaitim ang sikat ng araw. Form of exercise na father-and-son bonding pa.
Nakauwi kami ni Daddy, bago mag-alas nuwebe y medya.
Nakatulog ako sa sofa. Gusto ko lang sanang magpahinga bago maligo. Tapos, andami nang text messages sa inbox ko. Isa ang mga text ni Mommy doon. Nagyayaya mag-malling. Ni-reply-an ko kaagad. "Hindi po ako pwede," sabi ko, "..kasi po andami kong assignments.'' Totoo naman. Marami talaga. Hindi ko lang nagawa kahapon dahil sa paggigitara ko.
Imbes na ma-frustrate si Mommy. Natuwa pa siya. "Aba! Inspired na ang binata ko, a! Sige, next time na lang. Ingat I love you!"
"Thank you, Mom! Ingat din po kayo. Love you too!"
Pagkaligo ko, hinarap ko na ang mga assignments ko. Nagbasa rin ako ng textbooks, as advanced studies. Hindi ko na nga natulungan si Daddy sa paghahanda ng lunch namin kanina. Siya na rin ang bumili ng meryenda namin.
Mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon akong subsob sa mga libro at notebook. Hindi ko muna ni-reply-an ang mga text ng tropa ko. Si Gio lang ang sinagot ko. Pakopya raw siya. Sabi ko: Cge! Bsta kw!
Tapos, Nag-text ng love quote si Dindee. Nag-thank you lang ako. Si Riz... walang text. Hindi ko na lang siya tinext. Lunes na rin naman bukas..
No comments:
Post a Comment