Followers

Tuesday, July 8, 2014

Red Diary 54: Si Mam Elsie Bañarez

Napadaan ako kanina sa may bulletin board. Andaming posts. Pero, isa lang ang nakakuha ng attention ko--- ang filing of candidacy for Supreme Students Government (SSG). Lalaban uli ako. This time, for president na. Kung last year ay tinalo ako ni Riz sa pagka-vice president. Ngayon ay sisikapin kong manalo, sino man ang maging kalaban ko. Apat na taon na akong tumatakbo sa iba’t ibang posisyon. This year, ito na ang pinakamataas na posisyong aking lalabanan. Ina-announce din ng aming guro sa Araling Panlipunan ang tungkol sa filing of candidacy. Siya kasi ang adviser ng SSG. Special mention nga kami ni Riz. Expected daw niya na kaming dalawa ang tatakbo sa presidential slot. Nang hindi nagkomento si Riz, hindi na rin ako kumibo. Nginitian ko na lang si Ma’am Elsie. Wala ring imik ang mga kaklase naming, maliban kina Nico at Rafael, na nag-cheer pa. “Sssssh!” sabi ni Mam sa kanila. This week lang ang deadline of filing. Kailangan kong nakabuo ng line-up. I need vice-president, 6 senators, 1 representative from each (Grades 7, 8, 9 and 10). Ang Secretary at Treasurer ay appointment na lang after the election, kaya I only need 11 members. Nagbigay ng seatwork si Mam Elsie Bañarez para maasikaso niya ang mga bagay tungkol sa SSG. Binigyan din niya ang mga hopefuls na maghanap ng line-up. Kaya, agad akong nagpaalam sa kanya. Nakangiti naman siyang pumayag. Tapos, sabay na kaming lumabas ng classroom. “Good for you, Red!” masiglang sinabi sa akin ni Mam habang nasa pasilyo kami. “Natutuwa ako’t nagbalik na ang confidence mo at eagerness mo to lead and excel. Keep it up! Goodluck!” Tinapik pa niya ako sa balikat, bago kami naghiwalay ng daan. Isang gwapong ngiti ang pinakawalan ko sa kanya bilang pasasalamat. Alam ko, lubos niya akong pinahahalagahan bilang mag-aaral. Dahilan iyan para lalo ko siyang idolohin at hangaan.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...