Followers
Wednesday, July 9, 2014
Red Diary 60: SSG Campaign
Ang tindi ng mga pangyayari ngayong Huwebes sa buhay ko... Mainit! Mainit ang pagtanggap sa akin ng mga schoolmates ko. Ang lalakas ng palakpakan nila sa tuwing papasok kami ng mga kapartido sa isang classroom.
I should say, malakas ang laban ko kay Riz. Though, karamihan sa mga kaalyado niya ay mga dating officers ng SSG at iba pang clubs, hindi naman magpapatalo ang aming party. Mayroon akong limang first honors. Mayroon din akong journalist. Ibilang pa ang varsity player sa partido ko na si Jordan Santano.
Nakakatuwa ang ibang girls, binidyuhan pa ang speech ko. Maraming nakipagkamay. May halos gusto pang makipagbiso-biso.
Ang sarap sa pakiramdam ng experience na iyon. Ngayon ko lang ito naramdaman. Iba pala talaga pag ang tinatakbong posisyon ay ang pinakamataas. Last year kasi, hindi ko ito naranasan. Ngayon, ako ang mas sikat. Ako ang mas binibigyan ng pansin.
Plus na lang siguro ang panlabas na anyo ko. Hindi ko tini-take as anupaman ang mga sigaw nila na; "President Red, ang gwapo mo!" Mas gusto ko kasing hangaan nila ako dahil sa plataporma ko at sa kakayahan kong isakatuparan ang lahat ng mga pangako ko at nais ko. Ayokong mabigo sila, later on, na gwapo lang pala ako, na hanggang pangako lang pala ako.
I want to show them that I'm a great leader.
Mainit talaga ang laban... Hindi nagpapatalo sina Riz. Nasa loob pa kami ng isang classroom ay gusto na niya agad kaming patapusin. Hindi man nila sinasabi, ipinapadama naman nila. Puwede naman silang lumipat sa iba.
Nagtimpi pa rin ako. Siya pa rin ang Riz, na hindi politiko. Alam ko, sinapian lamang siya ng espiritu ng isang masamang politiko. Hindi siya si Riz. Ang kilala kong Riz ay charming. Mahinahon. Mabait.
Sana nagkakamali lang ako.. O sana, matapos na itong campaign at SSG election. Gusto ko na kasi siyang seryosohin. Lalo niya akong pinasasabik na mahalin ko siya. Kapag tinataasan niya ako ng kilay, pakiramdam ko, sinasabi niyang, "O, Red… lumapit ka..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment