Followers

Wednesday, July 9, 2014

Red Diary 59: Gudnyt

Sinundo namin ni Daddy sa Cubao si Dindee. Alas-8 na ng gabi, kaya nag-dinner na muna kami bago umuwi sa bahay. Si Daddy ang kumakausap kay Dindee. Tungkol sa mga plano niya dito sa Manila ang pinag-usapan nila. Mag-aaral daw siya. Information Technology ang gusto niyang kunin. Pinangakuan naman siya ni Daddy, na hahanapan siya ng matitirahan, malapit sa amin. Alas-10 na kami nakauwi sa bahay. Sobrang pagod na pagod ako. Pero, inasikaso ko pa rin si Dindee. Inilabas ko na ang mga gamit ko sa pagtulog kasi si Dindee ang gagamit ng kuwarto ko. Ako naman ay tatabi pansamantala kay Daddy. Bago ako nakalabas ng kuwarto ko, na-corner ako ni Dindee. Niyakap niya ako. "Salamat, Red! Salamat!" Naasiwa ako. Kaya, bumitiw agad ako. Ayokong isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataon. Natatakot ako sa Diyos. "Welcome, Dindee. Good night! Bukas na lang tayo mag-usap." Tumalikod na ako. "Good night, Red!" Narinig ko pang sabi niya. Nakahiga na ako, nang magsalita si Daddy. "Tulog na, anak. Tama na iyang pagsusulat mo. Bukas naman. Maaga pa tayo bukas." "Opo, Dad! Tapusin ko lang po ito" Minadali ko na ang pagjo-journal. Alam kong napagod din si Daddy. At, bukas, simula na naman siyang maabala. Siya kasi ang sasama kay Dindee sa pagpapa-enroll. Aabsent siya sa trabaho para lang kay Dindee. Sana rin makahanap na rin sila agad ng boarding house. Tinext pa ako ni Dindee. "gudnyt, red! slmat."

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...