Followers
Thursday, July 10, 2014
Red Diary 61: Masahe
Hapong-hapo ako sa pangangampanya. Halos, gusto ko nang matulog ng di naghahapunan. Kaya lang, ayaw ni Daddy.
Pinadapa niya ako sa sofa at hinilot. Naroon si Dindee, nanunuod ng balita.
"Nakapagpa-enroll na si Dindee. Sa Lunes na ang klase nila," turan ni Daddy.
"Mabuti naman at nakaabot ka pa, Dee." Pinilit kong magsalita para mapansin si Dindee.
"Oo nga, Red. Akala ko, wala nang tatanggap sa akin."
"Private school ka," dagdag naman ni Daddy.
"Tito, gusto niyo po bang ako na lang ang magmasahe kay Red?"
Naku! Yari na. Dumiskarte na naman si Dindee, naisip ko.
Pumayag naman si Daddy. Ihahanda na raw niya ang hapunan namin.
Agad namang sinimulan ni Dindee ang paghagod sa likod ko. Ramdam ko ang hagod ng malambot niyang mga palad, kahit nakadamit ako. Ang sarap! Soft, pero masarap.
"Kung hindi mo na maitatanong, ako ang nagmamasahe kay Mommy, tuwing masakit ang katawan at likod niya. Kaya, nasanay ako. Natuto ako sa sarili ko."
"Kaya pala... Ang sarap mong..." Umungol pa ako sa sobrang sarap. "...magmasahe. Siguro, mahal ka maningil." Nagtawanan kami.
"Loko ka, Red. Hindi kita sisingilin. Free ka sa akin. Ito ngang pagtira ko sa inyo ay libre, e. Tapos, sisingilin pa kita… Siguro pag wala na ako dito. " Tumawa uli siya. Pero, naramdaman ko ang paglungkot ng boses niya.
"Nakahanap ba kayo ni Daddy ng boarding house?
"Hindi pa. Mahal ang iba. Gusto ko, space lang. Yung for the girls lang."
"Makakahanap din tayo..."
"Sana nga hindi na, Red..."
Nagulat ako sa sinabi niya. "What do you mean, Dee?" Tumigil siya sa paghagod ng braso ko.
"Sana, payagan ako ng Daddy mo na dito na lang ako manirahan..."
"Ha?"
"Papayag kaya ang Daddy mo na magbayad na lang ako sa inyo?"
"Ha, a… e-ewan ko. Baka hindi. Alam mo na. Pareho kaming lalaki. Iba ang iisipin ng mga kapitbahay namin.." Wala akong maisip na rason. Hindi ko rin sigurado kung ganun nga ang sasabihin sa kanya ni Daddy. Sa akin lang ay ayoko. Tukso kasi siya. Gagawin niya ang lahat para maakit ako.
Tinawag na kami ni Daddy para maghapunan. Hindi naman niya in-open up ang tungkol doon. Tahimik lang kaming tatlo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment