Followers
Thursday, July 10, 2014
Red Diary 62: Where Are You Now?
Alas-kuwatro pa lang ay gising na ako. Excited ako sa speech ko. Naisulat ko na ito noong Martes pa. Kinakabisado ko na lang. Hindi ko naman siya babasahin talaga. Mini-memorize ko lang, kung saan ako hihinto at kung alin ang bibigyan ko ng emphasis.
Medyo mahaba ang talumpati ko kumpara sa speech ko last year. Ako kasi ang magpapaliwanag ng aming platform. Tapos, aawitan ko sila ng "Where Are You Now?'’ ng Honor Society.
Nagising si Dindee sa pagtugtog ko ng gitara. Napa-wow siya.
“Isa pa! Ang galing mo palang maggitara. Ang ganda ng boses mo!” sabi niya.
"Salamat! Sorry, nabulahaw kita..."
"Wala 'yun! Akala ko nga may nanghaharana sa akin."
Tumawa kami pareho.
"Kung ganyan kagandang boses ang manggigising sa akin araw-araw, hinding-hindi ako magagalit. I love it! I really love it!"
"Bakit ang aga-aga mo?"
"Miting de abanse namin mamaya. Kailangan kong paghandaan ang speech ko at ang kanta ko."
"A... I'm sure, mananalo ka. Kikiligin ang mga girls. Hmm. Sana high school pa rin ako at sa school niyo ako nag-aaral. Promise, ikaw ang iboboto ko." Seryoso si Dindee.
"Salamat! Sana nga magdilang-anghel ka... Pero, malakas ang kalaban ko. Dating vice-president."
"Sus! Wag ka matakot dun. Be confident. I know… I really know, na ikaw ang mananal.. "
"Paano mo naman nasabi 'yun?" Tinimplahan ko siya ng kape.
"Mas marami na ngayon ang babae at binabae. Sa itsura mong 'yan, naku, hindi lang panty ang mahuhulog pag kumanta ka na, pati mga brief. He he."
Tumawa muna ako. I knew what she means. "Ayoko namang manalo dahil kumakanta ako at gwapo ako. Gusto kong maging president ng SSG dahil mahusay akong pinuno..."
"Be practical, Red!"
Inabot ko sa kanya ang kape niya.
"Salamat! Ang sweet mo talaga!"
Maya-maya, nagising na rin si Daddy. Binati niya kami ng good morning. Binati rin namin siya.
"Mukhang inspired ang binata ko…"
"Oo nga po, Tito… Mukhang may pinopormahan sa school niya," biro ni Dindee.
Nagtawanan kami.
"Okay lang naman 'yun basta, hindi niya mapabayaan ang grades niya."
"Tama po kayo, Tito!"
Wala akong nasabi. Speechless. Sana lang hindi ako mablangko mamaya sa meeting.
Nagtitimpla ng kape si Daddy nang maisip kong imbitahan siya.
"O. sige... Aabsent uli ako para sa'yo, anak! Basta ikaw! Isasama ko si Dindee. What time ba?"
"Eleven AM po, Dad!"
Natuwa si Dindee. Kumislap ang mga mata... Natuwa rin ako. Bilib na talaga ako kay Daddy. Very handsome na, very supportive pa. Kaya nga dapat galingan ko...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment