Followers

Saturday, July 12, 2014

Red Diary 76: Seryoso

Pasado alas-nuwebe na nakauwi si Dindee kagabi. Hinintay ko talaga siya. Ngiting-ngiti nga siya nang dumating. Halos magtatatalon pa sa saya at ligaya. "Superhappy ko talaga today, Red! Alam mo bang may gusto sa akin ang isa kong kaklase? Doon kami galing sa house nila," masaya niyang kuwento. Hindi naman ako nagpakita ng tuwa sa kanya. Naiinis ako sa kilos niya. Medyo nadagdagan pa ang kanyang dating pagkama-ano… Ewan! Kung pumunta lang siya dito sa Manila para sirain ang buhay niya sa lalaki, dapat ‘di na lang siya nag-aral. O dapat inisip niya rin kami ni Daddy na kumanlong sa kanya. Baka kami pa ang masisi ng mga magulang niya. Iba ang buhay at kalakaran dito sa Manila. Isa pa, babae siya. Hindi dapat nagpapakita ng motibo. Pinagsabihan ko siya kagabi mismo. "Opo, kuya!" sagot pa niya sa akin. Akala niya ay nagbibiro ako. Oo nga't mas lamang ang edad niya sa akin, pero advanced at mataas ako mag-isip. Kung ‘di siya makikinig sa akin, mapipilitan akong itext ang Mommy niya. "Umayos ka nga, Ate! Hindi ka na bata. College ka na. Huwag po kayong masyadong excited. Ilang araw ka pa lang po sa Manila... Gusto mo bang mabuntis ng ‘di mo kilala?" "Grabe naman 'yang isip mo, Red! Kung magpapabuntis man ako, sa kilala ko na. It hurts naman..." Medyo bumaba ang level ng tuwa niya nang sabihin ko iyon sa kanya. Bahala siya. Basta ako, nag-abiso na sa kanya. Hindi niya ako kinibo pagkatapos niyon. Ayoko naman na magtampo siya sa akin. Kaya, biniro ko siya. "May kapatid na babae ba 'yung may crush sa'yo?" Na-gets niya agad. "Kung meron man, hindi ko ipapakilala sa'yo, noh!" "Damot mo naman!" "Talaga!" "Gusto ko lang makilala, e" "Ayoko nga, e!" "E, bakit nga?" "Ayokong mapunta ka sa iba!" Natameme ako dun... Seryoso siya. Akala ko biro pa.

No comments:

Post a Comment

Bato Serye -- Ep. 11

 Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.   Bihira lang naman ang suisek...