Followers
Saturday, July 12, 2014
Red Diary 77: Excitement
Excited na ako sa Oath-Taking Ceremony, gayundin sa Acquintance Party. Balita ko kasi na pupunta si Riz. Kaya, After ng klase ko, hindi na ako umuwi. Inasikaso ko ang stage decoration. Nakipag-coordinate ako sa sounds and audioman. Kinausap ko ang mga officers at ang SSG adviser ko. I made sure na ready ang lahat at hindi magkakaaberya.
Alas-singko pa magsisimula ang program. Medyo, matagal pa akong naghintay, kaya tinext ko sina Riz at Dindee. Nagsabi ako kay Dindee na may program at party kami, kaya hindi ako makakauwi ng maaga. Sabi ko, siya ang itetext o tatawagan ko para pagbuksan ako ng pinto. K ang reply niya. Tinanong ko naman si Riz, kung aattend siya sa Acquintance Party. Hindi raw. Sobrang disappointed ako. Bakit nagbago ang isip niya? Sabi ni Roma, dadalo raw siya. Hindi naman pala. Naisip kong hindi na rin ako makiki-party. Sayang lang din kasi ang gabi ko, kung hindi ko naman masisilayan si Riz. Sayang ang inihanda kong get-up, kung ‘di lang din niya makikita. Sayang din ang chance na makasayaw ko siya. Paano na ako makakapagpapansin? Although, a-attend sina Gio, Rafael at Nico, hindi rin naman siguro ako magiging masaya, kung wala ang dreamgirl at inspirasyon ko.
Habang palapit ng palapit ang oras ng simula ng programa, nawawala ang excitement ko. Useless! Hindi na nga ako makikita ni Riz sa aming panunumpa sa katungkulan, hindi ko pa siya makakasama sa party. Kaya, nag-desisyon akong umuwi na lang after ng oath-taking. Pero, hindi ko muna tinext ang mga kaibigan ko. Baka kasi, gusto nilang makiparty, kahit wala ako…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bato Serye -- Ep. 11
Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento. Bihira lang naman ang suisek...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment