Followers
Saturday, July 12, 2014
Red Diary 80: Sine
Nagpadala ng pera ang Mommy ni Dindee, kaya nagpasama siya sa akin para i-claim ito. Akala ko, uuwi na kami pagkatapos makuha ang pera, pero hindi pa pala. Niyaya niya uli ako sa mall. Treat niya raw ako. Wala naman akong nagawa. Maghahalo-halo raw kasi kami sa Razon's.
Naghalo-halo nga kami. Ang sarap ng libre! Gusto pa nga niyang umorder ng heavy meal. Ayoko lang kasi sa halo-halo pa lang ay nabusog na ako.
"Text mo si Tito," utos sa akin ni Dindee. "…Pakisabi na manunuod tayo ng sine." Ngumisi pa siya.
"Ano? Bakit ‘di mo agad sinabi nang nandun pa tayo?!" Mahilig sa surprise si Dindee. Talagang ginulat ako.
"E, kasi ngayon ko lang naalala."
"Next time na lang... Andami mo nang gastos. Budget mo ‘yan sa school."
"Bibiguin mo ba ako? First time akong manunuod ng sine sa Manila" Naglungkot-lungkutan si Dindee.
"Marami pa namang panahon. Huwag na muna ngayon. Unahin mo muna ang mga pangangailangan mo sa school... Magagalit ang Mommy mo."
"Ako ang bahala. Kasama dito ang pang-sine ko. Nasabi ko na ito kay Mommy.'
"Dinamay mo pa si Mommy mo." Nag-tsk tsk pa ako.
"Hindi, a! Sige na kasi! Killjoy ka naman, e!" Naiinis na siya. Pero, mas naiinis ako.
"Anlamig dun sa loob, e. Sana nagsabi ka para nagjacket ako."
"Sus! No need a jacket. I will be your human jacket. Tara!" Hinila na niya ako papunta sa ticket booth. Di ako nakapalag.
Sa sinehan, nilamig talaga ako. Kokonti lang kasi ang nanuod kaya malakas ang aircon. Nahalata iyon ni Dindee, kaya niyakap niya ako. Hindi na ako pumalag dahil nakabawas sa lamig na nararamdaman ko.
Uminit nga ang katawan ko sa sobrang pagkakadikit ng katawan ko sa katawan ni Dindee. Halos, dinig ko na ang tibok ng puso niya. Pero, sa totoo lang, masarap siyang kayakap. Ang suwerte ng taong mamahalin niya dahil kakaiba siyang yumakap. Naalala ko tuloy ang moment na nagsasayaw kami ni Riz sa Acquintance Party.
Nang may kakaiba akong naramdaman sa loob ng katawan ko, bumitaw ako sa yakap ni Dindee. "Salamat! Okay na ako!"
"Okay ka na? E, ako naman ang nilalamig..." Niyakap niya uli ako. But, this time, mas mahigpit na ang pagkayakap niya.
Matagal siya sa ganung posisyon, habang wiling-wili ako sa panunuod. Hanggang naramdaman ko na gusto ko siyang halikan. Nakakatukso siya. Naalala ko kasi ang gabi, kung kelan niya ako unang nahalikan. Sa pagkakataong iyon, nagparamdam ako sa kanya. Hinaplos ko ang kayang pisngi na naging dahilan para tumingala siya sa akin at magtago ang aming mga mata. Tila nahipnotismo ako sa titig niya, kaya idinampi ko ang mainit kong labi sa kanyang labi.
"Sorry..." Kumalas ako sa halik niya. Masyado na siyang agressibo.
Wala kaming kibuan hanggang sa makauwi kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Hunyo 2025
Hunyo 1, 2025 Past 8:30 na ako nagising. Ang sarap matulog! Tiyak na mami-miss ko ito kapag nagsimula na ang klase. Kaya habang wala pa, ...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment