Followers

Saturday, July 12, 2014

Red Diary 79: Chords

Alas-diyes na ako bumangon. Alas-dose na kasi ako nakauwi kagabi. Napuyat ako, pero naging masaya. Ang makasayaw mo ang dreamgirl mo at makadikitan ng katawan, habang sumasayaw sa saliw ng sweet music ay isang napakasarap na pakiramdam. Sulit! Pagkatapos kong mag-almusal, nagsulat ako at nakipagkuwentuhan kay Daddy. Nakisali na rin si Dindee. Kinuwento ko sa kanila ang mga naganap sa program at party. Kung gaano natuwa si Daddy, kabaligtaran naman ang naramdaman ni Dindee. Hindi siya kumibo nang sinabi kong sumayaw kami ni Riz. Pagkapananghali, naisipan kong maggitara. Hindi pa kasi ako inantok. Si Daddy ay umidlip. Si Dindee ay nanunuod ng telebisyon. Pumuwesto ako sa labas ng bahay. Hindi naman kasi maaraw. Una kong kinanta at ginitara ko ang Here Without You ng 3 doors Down. Sinunod ko ang Fall For You ng Secondhand Serenade. Isusunod ko na sana ang pangatlo, nang napansin ko si Dindee sa may pintuan. "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko sa kanya. "Oo... Kanina pa ako... na-iinlove sa kanta mo." Lumapit siya sa akin "Thanks!" "Puwede mo ba akong turuang maggitara?" Nag-isip ako nang kaunting segundo… "A, oo, sige." Pumiwesto na si Dindee sa harap ko. Ibinigay ko ang gitara ay ipinuwesto ko ang mga daliri niya sa strings. Tapos, pumunta ako sa likod niya at inilalayan ang isa pa niyang kamay na mag-strum sa strings. ''Yan ang C. Sige, strum mo na." "Ganito?" Tumunog ang gitara. Natawa ako. Iba ang tunog. "Hindi, e. Iba ang tunog. Ganito.." Kinuha ko ang daliri niya at ginawang pick. Tumunog ang gitara. "Ang galing!" mangha si Dindee. "Sige pa, turuan mo pa ako." Tinuruan ko pa siya ng ibang chords. Na-enjoy naman niya, lalo na kapag dumidikit ang katawan ko sa katawan niya para dukwangin ang gitara. "Ang galing mong magturo. Natuto na ako, na-enjoy ko pa. Sana lagi tayong ganito, Red." Seryoso si Dindee, habang sinasabi ang huling pangungusap. "Bakit?" "Kasi gusto kong lagi kang malapit sa akin… Ang bango mo. Amoy baby ka." Tumawa na lang ako para umiwas sa pang-aakit niya.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2025

 Hunyo 1, 2025 Past 8:30 na ako nagising. Ang sarap matulog! Tiyak na mami-miss ko ito kapag nagsimula na ang klase. Kaya habang wala pa, ...