Followers
Tuesday, July 8, 2014
Red Diary 41: First Day of School
Nagkuwentuhan kami ni Daddy pagkatapos naming mag-dinner. Kinumusta niya ang first day of school ko. Kinuwento ko ang tungkol sa pangalan ko. Tumawa rin siya, pero sabi niya na 'wag akong mahihiya sa pangalan at apelyido ko dahil pogi naman ako.
NAKS! Buti na lang sinabi niya 'yun. Nakabawi siya...
Sinabi ko na rin ang tungkol kay Riz. Hindi na ako nahiya. Ang payo sa akin ng Daddy ko ay ipakita ko raw sa kanya na karapat-dapat akong piliin. Ibalik ko raw ang sigasig ko sa pag-aaral. Karamihan daw kasi sa mga babae ay turn on sa lalaking matalino.
Tama! Dati naman akong second honors. Si Riz ang madalas na first honors. At nang nagpasaway ako, ang third honors na ang naging second.
Ngayon nga ay inspired akong mag-aral nang mabuti. Kukunin ko ang puwesto ni Riz. Kung ayaw niya akong pansinin sa mga pagpapa-cute ko sa kanya, sigurado akong papansinin niya ako kapag nagsimula na ang discussion.
NICE idea, Dad!
Alam kong kakayanin ko. Konting pagseseryoso lang. Tapos, iwas na sa mga makukulit na kaibigan. Sasali na rin ako sa mga curricular at extra curricular activities. Tama si Ma'am Elenita Reyes, ang adviser ko nung third year. Kulang daw ako sa pagseseryoso at pagiging aktibo sa klase at mga activities. Kailangan ko raw ang mga 'yun para umangat uli ako.
I'll take that as a challenge. Salamat sa kanya. Salamat din kay Daddy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment