Followers

Tuesday, July 8, 2014

Red Diary 42: Si Ma'am Dina Valbuena

Second day of school. Naka-alphabetical order na ang mga upuan namin. Gaya ng dati, hindi kami magkatabi ni Riz. May nakapagitan sa amin, pero sa iisang row lang kami nakaupo. Second row kami. Kilala na rin namin ang adviser namin. Bago siya sa school namin. First year in teaching sa public school. Third year in teaching naman niya kasama ang sa private school. Twenty-five years old. Science ang subject niya. Maliban sa maganda si Mam Balbuena, wala na akong nakitang katangi-tangi sa kanya. Marahil ay hindi pa sapat ang dalawang araw para makilala ko siya nang lubusan. Ako kasi ang taong may interes sa pagkilala ng tao. Gustong-gusto kong nalalaman ang kanilang mga katangian. At kapag nagustuhan ko sila, ako mismo ang gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa kanya. Madali rin akong ma-inspire. Sa kasalukuyan, Si Mam Dina, para sa akin, ay isa lamang tipikal na guro na nais magturo at matuto ang kanyang mga estudyante. Hinahanap at hinihintay ko sa kanya ang totoong siya. Nararamdaman ko na may istorya sa likod ng malalamlam niyang mata. Mabait si Ma'am. Halata sa kanyang boses. Mahusay din siyang magturo. Kaya lang, hindi lamang ang kabaitan at kahusayan ang sukatan ng pagiging mahusay na guro. Para sa akin, kung paano niya mai-inspire ang kanyang mga mag-aaral ang siyang pinakamagandang basehan ng kanyang pagiging guro. Hihintayin ko siyang magbigay ng inspiration. Lalo na sa akin... Higit kong kailangan ito ngayon upang manumbalik ang dating ako-- na masipag at determinado.

No comments:

Post a Comment

Booklet Project: Babasahin

  BOOKLET PROJECT   1.       Gusto Kong maging Guro Gusto kong maging guro balang araw. Gustong maging nars ni Amanda. Gustong mag...