Nakauwi na ako galing sa school, pero wala pa si Denise. Since, seven na nakakauwi sina Mama at Papa, hindi na naman nila malalamang late na kung umuwi ang kambal ko. Kung hindi ako magsasabi, hindi rin nila malalaman ang mga kabulastugan ng kapatid ko.
Napupuno na ako! Hindi na siya mapagsabihan. Binabalewala niya ang pagiging panganay ko sa kaniya. Sinabihan ko na siya kanina, paglabas namin ng classroom. Sabi niya, may kakausapin lang siya. Susunod na lang daw siya sa akin. Ten minutes lang naman ang biyahe mula sa school namin hanggang sa bahay. Dalawang oras nang wala siya.
Siguro kasama na naman niya ang mga tropa niyang mga pasaway sa school.
Tinext ko siya. "SAN KNB?!!" Pinahalata kong galit na ako sa kaniya.
"D2 P S SKUL!!!" Galit din ang reply niya.
"NU PNG GNGWA MO JN? UWIAN N AH"
"PWDE NMNG MGLIBRARY AH.."
"LIBRARY? KLAN P NAUSO SAU ANG LIBRARY?"
"WALA KANG PAKIALAM!"
Shit! Punyetang kapatid. Wala pa akong pakialam niyan. Ako nga ang lubusang nag-aalala sa kaniya.
"AH GNUN?!! SGE.." Ganiyan lang ang na-send ko sa kaniya. Inis na inis ako. Bilang kuya, masakit para sa akin na ganyanin ako ng kapatid ko. Nag-aalala lang naman ako dahil babae siya. Ako ngang lalaki, nakauwi na agad sa bahay. Siya dapat ako. O kaya, dapat pareho kami. Sabay kami.
No comments:
Post a Comment