Bagsak ang balikat ko habang inaabot sa akin ni Mama Sam ang kinita ko sa gabing iyon. Three hundred pesos. Nadagdagan lang ang income ko nang iabot niya pa sa akin ang P1,020.
Naalala ko last two years ago. Bente anyos pa lang ako nun. Bago akong graduate sa maritime institution. Kuntento na ako sa limang daang pisong kita ko sa isang gabi. Pero, ngayon, parang ang baba na ng isang libo para sa akin. Wala ng halaga. Pakiramdam ko bigla akong nalaos.
"Okay lang 'yan, Hector.." Tinapik-tapik pa ang balikat ko ni Mama Sam. "Better yet, isip ka ng kakaiba namang pakulo sa live show mo. Epic fail ka kanina. Hindi masyadong nakakalibog.."
Napaisip akong bigla sa tinuran niya, hanggang sa makalabas ako ng bar.
Sa labas, naabutan kong nakaupo si Jake, ang bagong trainee ng Xpose, sa kanyang motorsiklo. Nakahanda na siyang lumarga. pero parang may hinihintay.
"Kuya, sakay ka na." yaya niya sa akin. Nagulat ako. Ngayon niya lang ako inalok umangkas sa kanya.
"O, sige.." Umangkas ako at pinaandar na niya.
Tahimik siyang nag-drive hanggang sa nagsalita ako. "Dito na lang ako, Jake.." Magkaiba kasi kami ng way. Ayoko naman na ihatid pa niya ako dahil alam kong pagod siya kesa sa akin.
"Ihahatid na kita, Kuya. Saan ka nga uli nakatira?"
Hindi ako nakahindi. Hinatid niya nga ako.. Open naman kasi ako sa lahat. Ang inuupahan kong bahay ay para sa lahat.
No comments:
Post a Comment