Ako naman ang nagyaya kay Jake na mag-almusal muna kami bago ko siya payagang umuwi. Pumayag naman siya.
Habang nag-aalmusal kami ng toasted bread, hot coffee and instant pancit canton, nagkuwentuhan kami.
"Idol talaga kita, Kuya Hector. Kaya pangarap ko ring marating ang posisyon mo ngayon sa Xpose." papuri ni Jake.
"Salamat.. Kaya mo namang gawin iyon. Saka, huwag mo nang pangarapin. Hangga't maaari, humanap ka ng trabaho na disente. Hindi ang pagbibilad ng katawan.." payo ko naman sa kanya.
"Ito na lang po kasi ang alam kong trabaho, Kuya. Ayaw ko na pong bumalik sa probinsiya. Tricycle driver lang naman po ako dun. Ang isang high school graduate na tulad ko ay mahihirapang magkatrabaho ng disente.. Okay na rin ito, Kuya kasi kahit paano ay nakakapag-aral ang mga kapatid ko." Malungkot siya habang binibitiwan ang mga salitang iyon. Naawa ako. Naunawaan ko siya. Ako nga na maritime graduate ay nagsusumiksik sa ganitong uri ng trabaho. Siya pa kaya..
"Mabuti kang tao, Jake..dahil tumutulong ka sa mga kapatid mo sa pagpapa-aral.. Gusto kitang tulungan.."
Natuwa si Jake. Lumiwanag ang mukha. "Thanks, Kuya!"
"Nag-iisip kasi ako ng bagong gimik sa dance number ko.. Pwede ba kitang maisali?"
"Oo, Kuya! Sige po. Sa tingin ko, kaya ko na po ang ginagawa mo."
"Ayos! Sige..isip tayo ng pakulo. Yung nakakalibog.."
"Oo, nakita ko ang sayaw mo kanina. Hindi po masyado, gaya ng mga nakaraang sayaw mo.."
Wala akong maisip na pakulo. Pero, maya-maya, may naisip na si Jake. Nagustuhan ko.
No comments:
Post a Comment